By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------ “Tok! Nasa bahay ka na?” ang text ni Jeff kay Timmy habang naglalakad na ito palabas ng gate. Natagalan kasi siyang umuwi gawa nang dumaan pa siya ng library dahil tinapos niya ang kanyang research. Kaya nauna nang umuwi ang mga barkadang kaklase niya. “Hindi pa. Bakit?” ang sagot ni Timmy. “Punta ka ng plaza. Nandito ang buong barkada.” “Bakit nariyan kayo?” “May kaklase tayo na nag-anyaya. Birthday daw niya. Doon tayo maghahapunan, at may kaunting inuman.” “G-ganoon ba? P-pero uuwi ako mamaya ha?” “Okay lang. Alis ka lang nang maaga,” ang sagot ni Jeff. “S-sige pupunta ako,” ang sagot ni Timmy. Kumpleto ang barakada nang nakarating na ng plaza si Timmy. Mahigit sampu

