Past PINIPILIT kong idilat ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na tunog na nanggagaling sa tabi ko. Sa labis na kaantukan ay kinapa ko na lang iyon. Saktong pagkuha ko ay ang siyang pagtigil ng tunog mula roon. Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko nang may maalala. Agad akong napabalikwas at binalingan ang ibaba ng sofa na kinahihigaan ko. Malinis na ang carpet at wala na roon ang nilalatag na comforter ni Leighton tuwing matutulog kami. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko pero napunta ang atensyon ko sa notification na nakita ko. After weeks he finally contacted me. Terrence. Agad akong nag-facetime sa kanya at pigil ko ang hininga ko habang hinihintay kung sasagutin niya ang tawag ko. In just five seconds he answered it. Kumunot ang noo ko nang mabistahan ang ayos niya. H

