Cuppycake song "Twinkle twinkle little star..." Pakiramdam ko ibang boses ang naririnig ko nang biglang kumanta si Mandy habang nasa biyahe kami pauwi. Suddenly, it reminds me of that guy. Nagpatuloy siya sa pagkanta sa backseat habang ako ay napapikit at napahawak sa gilid ng ulo ko nang mag-umpisang kumirot iyon kasabay nang paglabas ng imahe sa isip ko ng lalaking kinamumuhian ko. Napapitlag ako nang may humawak sa kamay ko. Dumilat ako at nasalubong ang nag-aalalang ekspresyon ni Leighton. "Are you okay?" pagpisil niya sa kamay ko. Bumusina ang kotseng nasa likod namin nang mag-go na kaya binitawan niya ang kamay ko at muling nagmaneho. "How I wonder what you are..." "Do you need meds?" Umiling ako. "No...I'm fine." Nilingon ko si Mandy na patuloy pa rin sa pagkanta. "Mandy

