Cold eyes "I can't wait to have a child of my own..." Lumingon ako kay Leighton mula sa paghele sa sanggol na hawak ko na si Macy. "Stop thinking that, ang bata-bata mo pa kaya, anak na agad nasa isip mo." Taas-kilay kong aniya. Kasalukuyan kaming nasa orphanage na isa sa tinutulungan ng pamilya nila. It's sunday at nang magyaya si Tita Sky na sumama ako na mag-volunteer ay walang pag-aatubili akong pumayag. Tumawa siya at niyakap ako mula sa likod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko kaya napatigil ako sa paghele kay Macy. "Can't help thinking about it, you're very good in handling kids. You'll be a great mother, love." Napangiti ako at tiningnan si Macy. Katulad ni Leighton ay inisip ko kung anong pakiramdam nang magkaroon ng sariling anak. "What if hindi ako magkaanak?" T

