Dadating ang tita dorie mo. Don ka muna sa kanina. Masyado na kayong makulit at matigas ang ulo..
Pero lola.. Ayoko ko don..
Susunduin ka na mamaya.
Bing, ayoko ko doon.
Ate grasya.. Ayoko ko don. Pano na ako don.
Pag aaralin ka daw nila don. Mag grade one kana. Para ma tulongan mo rin si tita dori mo. Bantayan Yong maliliit mong pinsan pag nasa bukid sila.
Pero lola.. Pwede po ako dito mag aral.
Marami na kayo.. Lima na kayong mag aaral. Di na namin kakayanin ni lolo mo.
Mama.. Asan ka kasi. Di mo ba kami mahal. Papa, bakit kayo ganun..asan po ba kayo. Ayoko ko kina tita dorie. Pero mukhang wala na akong magagawa.
Malapit lang yon ta..
Pero manang grasya di na kita makakasama. Sinu magtatanggol sa akin don. Kung wala ikaw at si bing.
Ako lang mag isa don.
Bakit may magagawa kaba.
Manang grasya tulongan mo ako..
Wala akong magagawa.
Magiingat ka don ta.. Uuwi ka din dito. Dadalhin ka rin ni mama dorie dito pa minsan minsan. Magkikita din tayo.
Talaga bing!?
Oo.. Malapit lang naman ang managbay ahh. Sa bayan lang yon.
Kaya mo ngang lakarin yon.
Tsaka ayaw mo. Sa magandang school ka mag aaral. Diba gusto mo yon. Para maging abugado ka. Pilot kaya yon. Lahat ng nag aaral don matatalino.
Magkikita pa tayo. Maniwala ka.
Mamimiss kita bing..
Syempre ako din.
Yong kambing ko. Tsaka Yong manok ko alagaan mo. Pakainin mo.
Oo.. Ako bahala.
Tara ta, manguha muna tayo ng bayabas sa likod. Mamimiss mo ang duyan natin don.
Oo nga halika..
Oh San pa kayo pupunta.
Tita Verna.. Sa likod lang po.
Maligo kana dadating na si ate dorie kukunin ka na. Buti nga sayo. Matigas kasi ang ulo mo. Ngengenge..
Opo tita.. Maliligo na po ako.
Halika kana bing. Mag duyan muna tayo. Tapus Talon tayo sa ilog.
Oh Sege halika na.
Lulu...
Luuuuluuuu.. Psssssttt...
Lulu... Luuuuu..
Ta, halika na.. Tawag ka na ni lola. Baka andyan na si tita dorie.
Bing.. Mamimiss talaga kita.
Luluuuuu...
Poo.. Lola dito lang po kami..
Halika na.. Andito na tita dorie mo. Magmano kayo.
Mano po tita dorie.
Mama dorie, mama dorie tawag mo sa akin..
Sege po mama dorie. May mama na ako.
Oo Sege. Gusto mo ba magkaron ng mama.
Opo mama dorie. Miss na miss ko po si mama. Anu po ba itsura nya.
Basta maganda sya. Kasing ganda mo.
Talaga mama dorie.
Oo. Maganda. Mabait.. Yan ang mama mo.
Sana makita ko sya..
Oh pano ma, alis na kami ni lulu.
Oh Sege dorie ikaw na bahala dyan.
Tara na lulu.
Bye lola.
Bye bing..
Buti nga sayo.
Bye tita Verna.
Manang ingat ka ha.
Hay naku lulu Sege na. Bawasan mo pag daldal mo ha. Lagot ka kay tito efren don.
Sege manang..
Hu.. Hu.. Hu.. Hu.. Hu..
Wag ka ng umiyak. Magugustohan mo rin don.
Nalulungkot po kasi ako mama. Wala don si bing eh.
Wag kang mag alala.. Pag dadalaw ako kay mama berta isasama kita.
Talaga mama dorie.
Oo.. Pangako.
Salamat po mama..
Kumain ka na ba?
Opo mama. Marami kaming na pitas ni bing na bayabas. Kinain namin lahat