Spring. Stockholm, Sweden.
Sa isang bulwagan sa tahanan ni Prince Hanz ay pumapalibot ang mga puting bulaklak na nagtatalo sa asul na wallpaper. White flowers are everywhere. Parang mga luha ng karagatan ang malaking chandelier na nakasabit sa itaas ng bulwagan. May mangilan-ngilan na rin na bisita na nakasuot ng gown ang mga dumadating. Lahat ay may ngiti sa labi na para bang nasisiyahan sa magaganap sa araw na iyon.
The mood was sweet or rather romantic. Para bang nangangako ng isang bahaghari matapos ang mga pag-ulan sa buhay ni Baba at Prince Hanz. Romance is written all over the place in his home.
Sa isang silid. Baba is wearing a nice A-cut lace gown, her own creation and she called it ‘courtship’ as a sign of the longest courtship she had with Prince Hanz.
Hapit sa maliit niyang bewang ang puting tela ng kasuotan na napupuno sa lace. Binabalot din nito ang buong braso niya hanggang siko. Isang maliit na parte lang sa dibdib niya ang nasisilayan at lahat ay binabalot na ng puting lace at tela ang katawan niya.
Wala siyang inilagay na kahit anong kumikinang na bagay sa damit dahil gusto niyang maging siya sa araw na iyon, si Penelope na simpleng babae.
Maayos na nakapusod ang buhok niya sa likuran. Her make-up was light and sweet. Parang sampung taon ang ibinata niya sa kasalukuyan. Parang may mga tambol na nagrarambulan sa dibdib niya. Ganito pala ang pakiramdam sa araw ng kasal.
Sa araw na iyon ay ipararangal sa kanya ang titolo bilang prinsesa at bilang asawa nito. It sounds crazy. Hindi niya akalain na mabilis siyang matatanggap ng pamilya ni Prince Hanz.
She is just an ordinary girl na nagmula sa 3rd world country. Wala siyang lahi na royal blood pero hindi naman mahirap ang pamilya niya dahil mayaman ang Daddy niya.
‘Pero kahit na ‘di ba?’
Sinong mag-aakala na ang isang tulad niya na ordinaryong babae ay makukuha ang atensyon ng isang prinsipe mula sa Sweden. Bente anyos lang siya nang mainlab siya dito na hindi niya akalain na parehas lang pala sila ng nararamdaman.
Dumaan sa kanila ang tahimik na pagsubok sa loob ng mahabang panahon. Tinitingnan niya lang ang lalaki noon sa malayo sa tuwing magtatagpo ang mga mata nila, lihim na ipinagdasal dahil noon pa lang ay alam na niya na hindi ito ordinaryo. Parang bituin ito na mahirap abutin.
Sinong mag-aakala na ibibigay sa kanya ang prinsipe sa huli kahit pa lumipas ang maraming taon?
Bumukas ang puti, makapal at mabigat na pintuan ng kwarto. Pumasok si Kaitlin.
“Ma!” nasanay na ito na tawagin siya na gano’n na dati ay ‘Penelope’ ang tawag nito sa kanya. Her daughter is wearing a nicest white dress.
Sinalubong niya ito ng yakap. “I’m afraid, Honey.”
“I have a gift for you.” Inabot nito ang isang box na nababalot sa mint green na wrapper. Hindi niya maiwasan na mapangiti.
Binuksan niya iyon at isang blue sapphire rhinestones na kwintas ang bumungad sa kanya. “This is your gift?” nakakunot ang noo na tanong niya dito.
Wala naman kasing kakayahan ang anak niya na bumili ng ganoon kamahal na regalo.
“Oh no! That’s from Khalid.”
Baba “...”
Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang bigyan ng apat na taong gulang na bata ng kwintas na milyones ang halaga.
“According to Khalid it was a payment from Prince Philip. My gift is the card inside.”
Baba “...”
Hindi niya alam kung paano nakuha ni Khalid ang kwintas mula kay Prince Philip.
Nakita naman niya ang card na tinutukoy ng anak sa loob. Kinuha niya iyon at inilabas sa sobre habang napapangiti ng matamis.
“Dear Penelope, I just want you to know that you are my most precious thing in the world. I didn’t buy any gift because I know that me as your daughter is enough for you to smile the whole day. I celebrate mother's day everyday because you made me feel loved as always. Now that you will become my Dad’s wife, there are no words I can express other than ‘Congratulations for being the best woman in the world’.”
Hindi niya maiwasan na mapaluha sa sinabi ni Kaitlin. While celebrating the day as soon-to-be the princess of Hanz’s territory, Kaitlin is celebrating her day as mother’s day.
Namuo ang luha niya sa pisngi. “I love you Honey.” niyakap niya ito.
“I love you too Penelope. I love you so much.” hinaplos siya nito sa pisngi.
“Let me put this on you,” anito na kinuha ang kwintas na regalo ni Khalid. Mas lalong umangat ang ganda niya sa kasuotan matapos nitong mailagay ang asul na kwintas sa leeg niya.
Sakto naman na bumukas ang pintuan at tinawag silang mag-ina dahil magsisimula na ang seremonyas.
Hawak ang kumpol ng mga maliliit at puting bulaklak na parang d**o lang sa kabundukan ay naglakad si Penelope sa kahabaan ng isle na pinagigitnaan ng nakapilang mga silya.
Pumapailanlang ang musika ng Handel, ang Eternal Source of Light Divine sa kabuuan ng malaking bulwagan.
She’s looking at Prince Hanz who’s standing at the very beginning. The man has been waiting for over a decade. But he’s still out there, ready to wait. Para bang hindi ito mapapagod na hintayin siya anumang oras.
Napupuno ng kung anong kiliti ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang lalaki. Hindi na nga niya namalayan na iilang dipa na lang pala ang layo niya dito.
He reached out for her hand, kissed it while looking at her deep eyes. Iginiya siya nito sa Hari para mabasbasan. Dumaan ang kahabaan ng oras na walang naiintindihan si Baba dahil puro ritwal ang ginawa nila ng lalaki.
Nabigla na lang siya nang malaman na natapos na pala ang seremonyas. Kasal na siya sa lalaki.
....
NASA gitna sila ng dance floor ng bagong-bago niyang asawa. Dikit ang noo nito sa noo niya. Nakaikot sa bewang niya ang kaliwang braso nito habang hawak ang kamay niya sa kanan.
“Do you want to hear my message for you?” tanong nito. Tradisyunal kasi ang kasal niya sa lalaki. Hindi tulad ng nagaganap sa iba pa.
“Hmm…” sagot niya habang nakapikit. Ninanamnam ang yakap nito at ang musika.
“Okay, I am trying to think of a clever way to say this… I am going to love you in your weakest moment to your stronger ones. I’m going to love you when you’re happy and I’m going to love you the most when you are sad. When I first met you years ago, I never would have imagined that I would have such strong feelings for you.” Napatigil sila sa pagsayaw para diretsong makita ang seryoso at berdeng mga mata nito.
“Never would I have thought that I would have dreams about you or miss you in every single minute… Life is shorter Penelope, if I can marry you everyday, I will.”
Hindi na niya namalayan na nagluluha na pala ang mata niya. That was sweet. Parang naipon ang lahat ng mensahe nito sa loob ng mahabang panahon.
“I love you too, my Smiley. There was no one but only you.”
Inilapit nito ang mukha sa kanya para bigyan siya ng matamis at mainit na halik sa labi. He kissed him back. Hindi siya magsasawa na punuin araw-araw o oras-oras ang mga nasayang na panahon sa pagitan nila.
She knew that life is short. Hindi niya iniisip na nasayang ang 17 years sa pagitan nila ni Prince Hanz dahil alam niya na may manipis pa rin na linya ang nag-uugnay sa kanila.
Tila maliit na pisi na kahit anong klase ng gunting ang gamitin para putulin, mag-uugnay at mag-uugnay pa rin dahil sila ang talagang nakatadhana sa isa’t-isa.
WAKAS