OBP 42 DANA Hayst! Lagot talaga sa akin si Sherwin pagkauwi mamaya! Sukat ba naman halikan ako sa noo sa harapan pa ni Mimah! Angtagal-tagal kong hinintay na magkaharap kami tapos eepal siya. He-headlock ko 'yong mamaya. "Hindi ka kakain? Masarap 'tong foods." "Explain." "Explain what? Kain na muna kaya." Pag-iiba ko ng usapan. "Dana!" nag-abot na naman ang kilay niya. Cute. As always. "Yes, Love?" "Anak ng tokwa naman 'Tol! Alam kong angtagal-tagal ng dalawang taon ha? Pero huwag kayo sa harapan namin maglambingan. Ipapatawag ko si Capt agad niyan sige." "Subukan mo lang." pagbabanta ni Mimah sa kanya. "Uy Jem. We're supposed to enjoy now. Mamaya ka na magalit." That's Abby. "Saka hindi pa kumakain 'yan si Dana. Galing pa 'yan ng Pangasinan. Maawa ka naman." Nung isang araw lan

