OBP 49 DANA April 16th. Sakay ako ng kotse ni Sherwin. Potek yan! Wala ako sa mood na tawagin siyang Kuya. Napaka kasi niya! Hinahabol namin ang isang kotse kung saan sapilitang isinakay si Mari. God! Maraming araw na pwede siyang kidnapin bakit ngayon pa! Natunton na namin sila kanina kaso excited masyado 'tong lalaking 'to. Sumigaw ba naman na 'Itaas ang mga kamay! Napapaligiran namin kayo!' angsarap kaltokan! Napapaligiran namin e dadalawa pa lang kami. Nabingi kasi. sabi ko five minutes pa bago dumating ang back-up. Ewan kung anong narinig niya. "Sorry talaga." Hingi niya nang hingi ng sorry. Hindi ko naman pwedeng asintahin ang gulong dahil baka maaksidente pa sila. Kumonek ako sa head quarters. Nag-aabang ng tawag ko si Gia. "Send back up. Isang batalyon nang matapos na to. Paha

