OBP 13-Favorite Person

2849 คำ
OBP 13 JEMIMAH Nagluto ng adobong manok si Gia. Hihinhintay pa rin namin sina Ate Abby. Nakatambay lang kami dito sa living room. Kanya-kanya munang pagkaka-busyhan. Wala akong phone kaya nakikinood na lang ulit ako sa phone ni Dana. Ranma ½. Lumang anime naman 'tong pinapanood niya. Boring! Tuwang-tuwa na siya dito. "Anluma na niyan e. Yung iba naman." "Nakikinood ka lang e. Reklamo ka pa." Bibili na talaga ako ng phone bukas na bukas din! Angpapangit ng taste niya. Nakakatamad naman kung sa laptop pa. hay! No Choice! "'Tol imagine kapag nabasa ka ng tubig magiging lalaki ka! Haha!" Sabi nito kay Gia. "Pogi mo nun 'tol! Apakapogi!" Natawa si Gia. "Huwag kang mababasa. Pareho tayong magiging lalaki! Haha! Olats na ko sa kapogian mo nun! Haha!" "Hindi naman pogi si Dana." Sabad ko. Sinadya kong pisilin ang pisngi. Nag-pout ang labi niya. haha! "I mean look pretty siya hindi siya pogi." "Naku Jemimah, iba paningin mo. Tingnan mo yang cheek bones na yan, yang mga matang nangungusap, yang ngiting hindi mo alam kung nakakaloko, yang super cliff chin niya. Daming nabiktima sa probinsya niyan. Jusko! Napakahirap itago kapag valentines." Gia exaggeratedly said. "Nag-aabsent nga yan pag valentiness. Haha!" "Gaga 'to. Huwag ka. Pareho tayong absent." I really don't fine her pogi. Pretty? Yes. Pero hindi pogi. Hindi ganun kay Gabb na may features na lalaki talaga. "She's not pogi..." "Tologo buh?" humarap sa akin si Dana na naka-pogi sign pa. Sinakop ng palad ko ang mukha niya saka bahagyan tinulak. "Conceited! Hindi ka pogi!" --- Dumating na sila. Nanalo sina Ate Abby pero badtrip siya. Hindi daw kasi siya pinaglaro sa huling tatlong set. Hindi siya makausap. Na-hild pa daw sila ng coach dahil sa mga errors sa game. "Paanong paglalaruin napakainit ng ulo. Red card pa! haha!" Kantyaw ni Gabb. "The best ka Ate Abby. Pantay na tayo sa record ng ejection sa game! Haha! 3-all na!" "Hindi ko na kasalanan kung bulag ang referee." Sagot pa ni Ate Abby. "Touch 'yon. Angtanga." "Abby." Said Sela. "Watch your mouth naman. Kung ako tatlong red card na bigay ko sayo. Murahin mo ba naman." Umirap lang si Ate Abby. "Kung hindi ka nagpadala sa init ng ulo mo nakapaglaro ka pa sana. Binato mo rin naman ng bola yung lineman." Added Sela. Such a nagger wife to be. "Buti practice game lang 'yon." "He deserves more than that. Hindi ginagawa ang trabaho." Hindi talaga patatalo si Ate Abby e. Mainitin talaga ang ulo niya. Pero sa laro naman hindi siya agad-agad nauubusan ang pasensya. Ano kaya ang nangyari kanina. Baka hindi naman talaga maayos ang pag-officiate ng laro. "Beke nemen high blood ka lang telege. You know beke mey nekekeheybleed ne nengyere." Mahina pero napakalinaw na narinig naming sinabi ni Ella. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nag-peace sign siya. "Char lang. Check mo nga temperature niya Sela. Parang umuusok ang ilong e." Itong si Gabb ang tumayo saka dinama ang noo ni Ate Abby. "Guys! Confirm. Taas. 150 over Acting! Hahaha!" "Gabb..."saway ko sa kanya. "It's not time for your jokes." Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "I saw everything naman kasi. Wala sa lugar ang galit ni Ate Abby. Ano ba kasing nangyari. Hb na HB ka simula pa lang ng game." "None of your business." "Ah! Alam ko na! Ice cream para lumamig na ang ulo mo." Sela cheerfully suggested. "Rocky road or cookies and cream?" "Bahala ka." Ate Abby coldly answered. "Then both. Ella samahan mo akong bumili." "Gabi na lalabas pa kayo," said Gia. "Kami na lang ni Dana. May bibilhin din kami e." "Magpadeliver na lang tayo. Grab." I suggested. "Kesa lalabas rin kayo. Same lang na hindi na safe." "Naku Jemimah. Ibahin mo kami ni Dana. Taong labas kami sa probinsya. Oh sige na lista na mga bibilhin." "Ate Jem, celebrate na kaya tayo ng birthday mo now?" suggested Coleen. "Order na lang tayo ng kahit ano. What do you think? Sa mismong birthday celebration mo kasi hindi mo kami maasikaso. Sigurado maraming bisita." Coleen just has the cutest convincing face pagdating sa pagkain. May point naman siya. Sa mga nakaraang celebrations ko napaka-busy ko rin. Andun kasi ang mga relatives. You know, it's like I need to make halubilo sa lahat ng kamag-anak. Pati sa mga business partners and investors. Lalo sa mga kaibigan ni Papa at Mama. "Pwede naman anong gusto mong foods?" "Teka madaya naman! Bakit siya lang ang tatanungin? Paano kami?" ungot ni Gabb. "Porke siya ang bunso? Ganun?" "Mismo." Coleen cheered. "Shonda na kasi kayo. Haha! Jollibee na lang 'Te Jem. Maraming sundae ha." "Favoritism talaga to si Jem." Reklamo pa ni Gabb. "Wala kang regalo sa akin sa birthday mo." Bubbly Gabb na naman. But for now si Coleen muna ang pagbibigyan ko. Last year kasi siya na ang nasunod. "Alright. Ipagpapaalam ko na sina Sela and Ella. Order ka na lang." Parang bata si Coleen. Tutok na sa phone sa pag-oorder. "And Dana? Anong gusto mong food?" "Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili e." sagot nito habang nakatutok sa phone niya. "Dana. I'm talking to you. Tingnan mo ako." Ayoko ng hindi ako hinaharap kapag kinakausap. "Nonood ako e. Bakit?" humarap naman siya sa akin. Nag-aabot ang kilay. "Kahit ano na na lang. Hindi nama nako mapili e. Okay na?" Sarcasm and I hate it. Bumaling na ako kay Gia. "Gia? Anong order mo?" "Same kay Dana." Magkaibigan nga sila. Parehong tutok sa phone kahit kinakausap. God! These two! "Bahala ka na nga Coleen. Order ka anything. Padagdagan mo ng fries." --- Iginigilid namin ang mga upuan sa sala. Maglalatag kami ng picnic blanket. All these are Coleens idea. Naglalambing ang bunso. Hindi mahindian. Hehe. Si Gabb sisimangot-simangot na naman. Sa usapang favorites ko nag-uungusan ang dalawang yan. Napaka-ewan. "Saan ba ang punta nina Dana? May dala pang arnis. Duty ba nila?" natatawang sabi ni Gabb. "Hindi naman siguro tayo mapapasugod sa barangay 'no. Baka trip nilang mag-amok." "Hayaan mo sila at kaya naman nila ang mga sarili nila." Sabi ni Ate Abby. Nakadapa siya sa yoga mat. Minamasahe siya ni Ella sa likod. Iniinda kasi niya na madalas nanakit ang likod niya. "Parang kailangan mong magpa-check-up," said Ella. "Iba kasi pakiramdam ko sa likod mo Abby. Hindi ka ba talaga nasaktan nung sa Pub House?" Pansin ko nga na hirap bumangon si Ate Abby. Umupo na siya. She stretches her back. "Hindi naman malakas yung pagtama ko sa may hagdan. Ewan dito. Baka mamamatay na ko. Haha!" "Pa-excuse ka bukas. Consult natin sa doctor 'yan." Said Sela. In her don't dare questioned me look. "Whatever." Tanging sagot ni Ate Abby. Huh? 'Yon lang? As in?! Just whatever? Asan na 'yong Ate Abby na hindi sumasang-ayon sa bawat suhestiyon ni Sela? Never kaya siya nag-agree kung involve siya. Whattheheck is going on?! --- Dumating na ang foods at dumating na rin sina Gia. Alak pala ang binili! "Ohright mga 'tol! Hindi masaya ang birthday kapag walang alak!" said Gia. "Patingin ng mga ID at registration forms. Bawal uminom ang menor de edad at maaga ang klase bukas." Tatawa-tawang sabi ni Gia. "May early jogging bukas. Baka nakakalimutan mo." Said Ella. "Wrong timing ang alak." Ella sounds nanay tonight. "Basta kami ni Dana may LBM bukas." Gia answered laughing. "'Di ba 'tol? Masakit tiyan natin mula madaling araw! Hahaha!" Sumang-ayon lang si Dana pero hayan balik sa phone na ulit. Nag-squat na siya saka nagpasak ng headset. Naka-set na ang foodies! Tuwa si Coleen sa foods lalo sa sundae na cravings niya. Umiirap-irap si Gabb. Haha! "Bawi ako sa'yo next year Gabb." Sabi ko dito. "Huwag ka nang umattitude diyan." "Guys try niyo naman 'tong iniinom namin sa probinsya." Pagbibida ni Gia. "Mura lang 'to pero malakas ang tama." GSM Blue, Sprite, Tang juice at Gatorade blue ang pinaghalo-halo niya. "Baka manakit ang tiyan namin diyan," said Gabb. "Pero mabango ha. Umiinom ka rin nito Danababe?" Tumango si Dana. "Konti lang." Buti naman naririnig pa rin niya. Putulin ko kaya 'yang cord ng headset na 'yan? Lumipat sa kanan ko si Coleen. Umabre-siete na sa akin. And she's busy with her sundae. Pangalawa na yan. Si Gabb nagbabadyang lumipat sa kaliwa. Itoong dalawang 'to talaga! "Ate Jem, iinom ako. Huwag mo akong isusumbong ha." Malambing na sabi ni Coleen. "Sus! Hayan na naman yung papa-cute. Ate Jem, iinom ako ha." Eksaheradang panggagaya ni Gabb sa kanya. "Hoy Coleen, pabebe mo diyan." "E ano naman? Pake mo buh?! Hindi ka love ni ate Jem ngayon. Hindi ka na favorite." "Parang tanga e. Wala tayong music. Kunin ko ang speaker." Pumunta sa kwarto si Gabb. Pagbalik niya may dala siyang speaker at gitara. "Oh may bayad 'pag may request." Nagsimula na siyang kumanta ng random songs. Kumain naman si Coleen ng spaghetti. Parang siya yung may birthday. Maya't-maya sinusubuan niya akong fries. Nag-ring ang phone ni Dana. Like it's in maximum volume! Rinig pa yata sa kabilang bahay. "Mimah, si Sherwin." Sabi nito sa akin. Pinakita niya ang contact ng tumatawag. "Paano niya nalaman ang number mo? Nagkausap ba kayo?" "Oo. Nag-chat siya. Naawa kasi ako kaya binigay ko na ang number ko. Kausapin mo na." Makakahindi pa ba ako? Sinagot na niya e. God, Dana! Nakakaloka ka! Lumabas na muna ako. "Hello. Bakit pati kaibigan ko kinukulit mo? Hindi ka ba makaintindi?" I said bluntly. Hindi na kasi na nakakatuwa. "Mag-usap tayo, Please. Nandito ako sa harap ng bahay." Damn! Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras? "Umuwi ka na." "Jem,hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap." "De huwag kang umalis! Hindi ito teleserye na lalabas ang bidang babae kapag nagpapakatanga ang lalaki sa harap ng bahay! Just go!" Binabaan ko siya ng tawag. Sinundan pala ako ni Dana. "Uli-uli huwag mong sasagutin ang tawag niya." "Kanina pa siya sa labas. Kausapin mo na kaya?" Sabi nito pagkaabot ko ng phone niya. "Samahan kita." "Bakit ba angbait-bait mo? I told you sinaktan niya ako. Hindi ko siya gustong kausapin. Don't you get it?!" papasok na sana ako sa loob pero hinawakn niya ako sa kaliwang kamay. "What now?" "Ako ang kakausap. Pagsasabihan kong umuwi na siya. Pero patawarin mo na Jem. Nakakaawa na kasi." No! Hindi niya kakausapin! Hindi siya pwedeng maging sobrang mabait! Hindi maganda para sa kanya 'yon. "Huwag mong sirain ang gabi ko Dana. Pasok na tayo." Malumanay ko naman sinabi pero I made sure that she gets my serious note clearly. She sighed in defeat. "Ila-lock ko lang ang gate." "Hihintayin kita baka lumabas ka pa." Dahil masyado nga siyang mabait naniniwala akong kung hindi ko siya hihintayin ay lalabas siya para kausapin si Sherwin. "Sherwin! Umuwi ka na! Hindi ka niya kakausapin! Update na lang kita! Babye!" Whattaheck Dana?! "Okay! Salamat!" Sherwing shouted back! "I owe you big time Dana! Salamat ulit!" Nakahalukipkip ako habang papalapit siya. "What was that for? Are you crazy? Ia-update mo talaga? Sino ba ang kaibigan mo? Ako o siya?" "Ikaw. Kaya nga sabi ko mag-usap na kayo. Hindi ko naman sinabing magbalikan. Usap. Closure. 'Yon lang." "Baka hindi ka pa nasasaktan kaya ganyan kadali sa'yo ang closure." Tinalikuran ko na siya. People who doesn't know pain can really talk easy about my situation. Inakbayan niya ako. "Masyado ka naman seryoso. Chill lang kasi. Bata ka pa naman para magdala ng matinding sama ng loob. Inom na tayo beerday gurl!" --- Nagpapaligsahan na sina Coleen at Gabb. Videoke pa ang na-trip-an nilang pagkompetensyhan. Gabb might compete with me in popularity but she's very vocal that she wanted to be my favorite. She really loves attention! 'Yon lang 'yon! Si Gia ang nagpapaikot ng shots. "Oh beerday girl, shot mo na." In fairness masarap 'tong tinimpla niya. Hindi ko na rin alam kung nakailan na ako e. Hindi umiinom si Ella. She can't! May Sela siya na kailangang bantayan. Inabutan ni Gia si Ate Abby. "Ito para sa Bakudera ng taon! Abby Vergara!" Nag-apir sina Gia at Ella. "Bakudera 2020!" sabay pa nilang cheer! Pagkainom ni Ate Abby bumuntong-hininga siya. "Guys hindi niyo ba namimiss ang mag-bar?" "Naku hindi!" said Gabb. "The last time na nag-Bar tayo muntik na akong maiuwi ng babae! Gosh! Nakakatakot!" "Gustong-gusto mo naman ate Gabb." Pang-aasar ni Coleen. "Proud ka ba kinaumagahan. Kadiri ka. Nakipag-kiss ka sa hindi mo kilala. Yuck!" Inaambaan siya ni Gabb ng suntok. "Kumain ka na lang diyan. Papansin e." Coleen just mimicked her. Hindi na matapos-tapos ang bangayan. Turn na ni Coleen. "Sarap! Isa pa ate Gia." Sinaway ko na siya. "Naku bawal yan. Maghintay ng turn." Said Gia. "Pero teka yung shot ko e sa'yo na! haha!" Tuwang-tuwa ang bunso. Nakailang ikot rin ang unang timpla ni Gia. Nagtimpla pa siya ulit. Parang pinipigilan na siya ni Ella pero sige pa rin e. Nagtimpla pa rin. I'm a bit tipsy na rin. "Did you just cancel our wedding?!" Napatingin kami lahat kay Ate Abby at Sela. Natigilan din si Gia sa paglalagay ng alak sa baso ni Gabb. "Oo. Sabi mo ikansel na. So I did. Payag na sina daddy. Kaya wala ka nang problema." Isa na naman ba 'to sa mga plano nina Dana? Pero mukhang hindi. Maging siya tulala sa biglang pagtaas ng boses ni Ate Abby. "So you're saying we're no longer engaged. Yet, you care so much? What's with those caring? Prank lang?" Mataas na naman ang tono ng pananalita niya. God! Ate Abby! "Ohryt. Chill na lang Guys." Inakbayan sila ni Ella. "Naparami na kayo ng inom. Bukas na kayo mag-usap 'pag pareho na akong matino. Lesgo Sela, kailangan mo nang magpahinga." Umakyat na sa second floor sina Ella. Ate Abby is pissed off. Nakuha naman niya ang gusto niya bakit nagkakaganito siya. But be the drinks. Hay! "Oh shot mo pa." said Gia. Inabutan pa niya ito ng alak. "Okay lang 'yan Abby. Ganun talaga kung wala na saka mo panghihinayangan. Sadnu?" Bottoms up kay Ate Abby. "Gia, tama na." saway ni Dana sa kanya. "Si Gabb na lang painumin mo. Hindi pa nalalasing e." Hindi na maintindihan ang mga lyrics nina Coleen at Gabb. Magkasundo na sila sa pagkanta ngayon. Parang ibang lenggwahe nga lang. Tumigil na sila sa pagkanta. Sa wakas! Binigyan sila ni Gia ng tig-isang baso. Unahan daw makaubos ng alak. Game na game naman sila. "Ate Jem, mga bata pa tayo nagcocompete na kami ni Gabb para maging favorite mo. Pili ka na kasi." Said Coleen. Umabresiete siya sa kanang braso ko. "angtagal-tagal-tagal pumili." "Uy bunso, huwag kang pa-charming diyan. Hindi yan counted." Said Gabb. "Matabang yata timpla ko. Hindi pa sila lasing e." iiling-iling na sabi ni Gia. "Dana oh. Ubusin mo na. Antok na ako e." Nilapag niya ang pitchel saka pumunta na sa kwarto. Itong si Dana busy sa phone niya. I got a glimpses sometimes. Si Sherwin ang ka-chat niya then Broddy too. So basically kahit nandito siya parang hindi naman namin kasama. Nakakainis din ha. Naupo si Gabb sa harap ko. "Tingnan mo ako Jemimah. Sa mga mata." Hinawakan pa niya ang balikat ko. "Ako naman ang favorite person mo 'di ba?" Big issue talaga sa dalawang 'to kung sino ang mas papaburan ko. "Should I really make a choice? It's just childhood joke." Nagkaroon kasi noon ng games minsang birthday ko. Ate Mika had this idea. Pumili daw ako ng pinaka-close kong kaibigan. That time silang dalawa ang madalas kong kalaro. Ang sabi ko pag matanda na kami saka ako pipili. Eh hindi pala nila nalimot. These two are crazy talaga minsan. "Walang joke-joke dito." Inis na sabi ni Coleen. "Sino na? Ako o si Ate Gabb?" Yugyog ni Coleen sa braso ko. Nakukulitan na ako sa kanilang dalawa! Then I got a perfect idea. "Guys, Huwag na kayong magcompete. Para matigil na 'to once and for all. Sasabihin ko na ang new favorite person ko." Kunot noo na si Gabb. "New favorite? Kung hindi kami, Sino?" "Oo nga. Sino 'yan? Pag yan pangit hindi ko tatanggapin. Aawayin ko 'yan." Sabi pa nitong si Coleen. Tinakpan ko ang screen ng phone ni Dana. Napatingin siya sa akin. "Mimah! May ka-chat ako e." I know! Sherwin and Broddy ang kachat niya. Nagkakasiyahan dito yet parang hindi naman ramdam ng presence niya dahil sa kaka-chat. Tsk. I hate being ignored. Duh! Nobody must ignore Jemimah Reyes! Not on my birthday celebration. "Dana is my new favorite person." Sabi ko sa dalawa. "So tama na okay? Ayoko nang nagcocompete kayo. Kaya siya na lang at hindi makakatulong 'yan sa future niyong dalawa." "Atleast hindi si Ate Gabb ang pinili mo." Lumipat si Coleen sa tabi ni Dana. Inakbayan niya ito. "Ate Dana. Ikaw ang pinili ni Ate Jemimah. Ibig sabihin umayos ka. Bantay-bantay namin ni Ate Gabb ang bawat kilos mo." Naguguluhan siguro 'tong si Dana. Hindi makapagsalita e. 'Yung dalawa pumunta na sa kwarto nila. Panigurado may bangayan na naman doon. "Ano ba 'yung sinasabi ni Coleen? Hindi ko maintindihan." "Paano mo maiintindihan kung mula kanina parang hindi ka naman namin kasama? Sina Broddy at Sherwin na lang kaya ang tropahin mo? Baka ikatutuwa mo pa."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม