OBP 10 - Juno Zia's Final Med

2516 คำ
OBP 10 DANA's POV Hindi ko nakatulog nang maayos. Sobrang alinsangan. Pagkacheck ko ng oras 3:00 pa lang. Hay! Bumaling ako sa kanan. Huh? Wala si Mimah. Bumangon ako. Putik yan. Muntik kong maapakan ang kamay niya. Nilatag niya ang kumot sa sahig. Naiinitan siguro 'to. Kung hindi nag-brown out baka nag-away na kami kagabi. Nakakatampo rin naman ang hindi niya pagpansin sa akin. Ang naiisip kong dahilan ay yung sa idea kong pagselosin si Ate Abby. Nakakaloka siya. Grabe. Ano ako? Hanging Amihan? Nararamdaman pero hindi nakikita? Tinapik-tapik ko siya sa balikat. "Mimah, gising." "Hmm." Pinunasan niya ang pawis niya sa noo. "Maaga pa." "Sa sahig ka natulog. Ano ka ba." Aba! Parang walang narinig. Dumapa pa. Basang-basa ang likod niya. Hay naku! Kumuha pa ako ng papel para isuksok dito. "Bangon ka na. Dun tayo sa rooftop. Mas malamig doon." "Ikaw na lang." "Okay. Mag-isa ka dito." Kinuha ko ang unan at kumot ko. Aalis na ako e. Hinawakan niya ako sa binti. "Sama 'ko." Tsk! Sasama din naman pala! Kanya-kanya kaming dala ng kumot at unan. Ako rin ang may dala ng Comforter at ring light. Nakahawak siya sa laylayan ng tshirt ko. Napakamatatakutin naman nito. Hayan. Medyo malamig na. Nilatag namin ang comforter saka humiga ulit. Nilagay ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko. Hoooh! Parang sa probinsya lang kapag sa bukid kami natutulog habang binabantayan ang mga pananim. Sarap! Angdaming bituin. Nandiyan siguro ang tatay namin ni Gia. Hehe. Char lang. kwento-kwento lang ni Mama 'yon sa akin noong bata pa ako. Siyempre naniwala naman ako na kapag namamatay ang tao nagiging bituin. Ano lang yon pampalubag loob. Meron pang isa. Kapag nandito si Papa sa Manila kapag nalulungkot ako sinasabi ni Mama iisang buwan lang naman ang tinitignan namin kaya huwag akong malungkot. At nauto ulit ako! Haha. Hay. Miss ko na si Papa. Sana masaya siya kung saan man siya ngayon. Pumikit na ako. Good mornight world! Matutulog muna ang kagandahan ko. Uggh! Aray naman! Bagsak ang braso ni Mimah sa tiyan ko. Para akong sinikmuraan sa impact. Ang binti naman niya nakadantay sa binti ko. Pakiramdam ko tulog manok lang ako nito. Nakalamang na naman siya ng tulog. --- Nagising ako bandang 5:30. Mahimbing pa rin ang tulog ni Mimah. Nakayakap pa rin siya sa akin. Ginawa pa akong stuff toy. Hay. Hintayin ko na lang na magising siya. May battery pa naman ang phone ko. Mag-sss na nga muna o kaya games-games. Nag-goodmorning na ako kay Mama. Si Mama talaga, angdaming alam. Magsend daw ako ng picture ko ngayon. Sabi ko ayoko e. Magtatampo pa daw. Nasa ulunan naman namin ang ring light kaya nagselfie ako. Sinend ko sa kanya na may mahabang paliwanag kung bakit katabi ko si Jem. Anggara ni mama! Marunong nang magreact sa messenger! Haha. Pinusoan niya yung picture tapos haha-react sa paliwanag ko. "'Nak baka magulat si Jemimah pagkagising. Kawawa ka naman." Oo nga baka bigla nitong maisip na sapukin ako. Nilapag ko na ang phone ko. Dahan-dahan kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin. "Dana naman. Antok pa ako." Napatigil ako. So aware naman siya na nakayakap siya sa akin? Hinayaan ko na nga ulit. Babawi talaga ako ng tulog mamayang hapon. Bahala na siyang ma-bored na walang kausap. "Sorry sa hindi ko pagpansin sa'yo. My bad. Thank you rin kagabi." "Sorry rin. May mali rin ako." Pero tuloy pa rin ang plano namin ni Sela. Hahaha! Wala nang umimik sa amin. Brownout experience lang pala ang makakapagpa-realize sa amin ng mga pagkakamali namin. --- Bibili kami ng tinapay para sa almusal. Naku naman. Pagkahaba ng pila. Nahihikab-hikab pa siya. Ito reyna ng antukin. Sumandal siya sa akin. "Sana nagpaiwan ka na lang ano? Inaantok ka pa e." "Wala akong kasama." Mahina ang boses nitong sagot. "Matagal pa ba? Jollibee na lang kasi tayo." "Wala akong pera. E gusto mo bili ka pagkain mo. Basta ako pipila dito." Nagsimangot na naman siya. Ako rin naman ay naiinis na sa pila pero nag-chat kasi ang Mama niya. Kung uungot daw ng fastfood tong si Jemimah, kontrahin ko. Aba dun ako magaling! Sa pagkontra sa kanya. Haha! Umupo siya sa gilid. Nag-aabot ang kilay na nakatingin sa akin. Hay! Kahaba pa ng nguso. Diyos ko Jemimah! "Lika na nga. Sa Jollibee na." Napakadaling magbago ng mood. Nagtawag na ako ng tricycle. Siya na talaga ang pumila. Peace offering daw sa pagsusungit niya. Hindi ko maiwasang maghikab. Parang may nag-flash. Napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng flash. Aligagang tinago ng customer ang phone niya. Napahawak ako sa noo ko. Baka MZUmazing headlines na naman 'to! "Oh problema mo?" tanong ni Mimah pagkabalik. "Coffee oh..." nilagay niya sa tapat ko ang kape. "Kunot noo ka." "Wala. Gutom lang ako." "Oh diba kung sa bakery pa tayo de nakapila ka rin. Eat na tayo." Ilang minuto pagkaalis nung babae ay tumunog ang phone ko. Si Gia. Screen capture sa post sa MZUmazing. Sabi na e! "That's rude. Kumakain tayo e." pansin ni Mimah sa akin. Pinakita ko ang picture na sinend ni Gia. "Oh pretty ka diyan. Why? Affected? Magsasawa rin ang mga yan. You want me to take down that app? Madali lang 'yan kay Ella." "So ano ba dapat ang gawin ko?" Kinuha niya ang phone, ni-lock at tinaklob sa mesa. "Kumain ka." --- Naghihintay pala sa amin si Tita Jai tapat ng bahay. Sa kanila daw muna kami dahil hindi alam kung kailan magre-resume ang kuryente. Dalawang transformer daw ang pumutok kagabi. Dinala ko na ang mga labahin ko! Haha. Aba naman alangan ilalaba ko pa 'to dito. Dun na lang kena Tita. Hihi. Brainy! "Jemimah, Uuwi ba ang parents mo sa birthday mo?" tanong ni Tita habang nagda-drive. "Hindi ko po alam. Pero sana umuwi. Gusto ko magcelebrate sa exact birthday ko naman." "Kailan bornday mo?" tanong ko sa kanya. "De 12 years old ka na na non? Hahaha!" Natawa rin si Tita Jai pero itong katabi ko parang gusto akong iuntog sa bintana. Sama ng tingin e. "Grabe naman. Joke lang e. So ano nga? Ilang taon ka na?" "Paki mo." Humalukipkip siya saka bumaling na sa labas. May sinasabi pa talaga siya hindi ko lang naiintidihan. Pakahinga ng boses e. "Buti talaga sinundo ko kayo. Baka mag-aaway lang ang gagawin niyo maghapon." Naku Tita, kababati lang talaga namin kanina! Haha. At ang masaya nito magkakaroon ng family lunch kena Tita! Yes! Sinu-sino kaya ang dadalo? Excited! Sinalubong kami nga chikiting nila. Sina poging-poging Zen Jayden ,six years old, at napaka-pretty na si Juno Zia, five years old. Akala ko pa naman iyayakap na nila kami. Tumigil pa sa harapan namin. Nagpameywang. Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Mimah. "Ate Dana, why are you with Tita Mimah?" humalukipkip na tanong ni Jayden. "You're late for breakfast na rin." "Ah, we live in one house kaya magkasama kami," sagot ni Mimah. "Tara na sa loob. Maglalaro tayo mamaya." Aba yung dalawa nakahawak sa kanya. Ako dala ko ang labahin. Haha! "Aba Tita, ako yung kadugo pero parang mas close sila." Iiling-iling kong sumbong kay Tita Jai. "hindi ko to nagugutuhan ha." Tinapik lang ako ni Tita sa balikat. "Siya ang madalas nakikita. Huwag ka nang magtaka." --- Na-miss daw ako ni Manang Ising. Ang pinakamatagal nang kasambahay nila Tita. Pinisil-pisil ang pisngi ko e. "Ano ka bang bata ka. Bakit angpayat mo. Hindi ka ba kumakain ha? Mimah, ano bang kinakain niyo at angpapayat niyo?" Inakayan ko si Manang. "Manang naman, sexy ako hindi ako payat." "Haru! Anong sexy! Napakapayat mo. Ano 'tong narinig ko na nakipagsuntukan ka daw ha? Ano? Natamaan mo ba nang maayos? Knock out ba?" Tumikhim si Tita Jai. "Manang, excited ka masyado. Marinig ka ni Yhubby ikaw rin." Napakatakip sa bibig si Manang. Haha! Nakakatuwala talaga siya. Kinuha na niya ang mga labahin ko. Nasa garden daw si Tita Zai. Nagpakarga na si Juno sa akin. Magaan siya para sa edad niya. Sakitin kasi ito. Premature na pinanganak. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. "May sakit ba ang bebe girl namin? Kawawa naman." Hinaplos-haplos ko ang ulo niya. Haha! Ginaya niya ako e. Hinahaplos din niya ang ulo ko. Sweet naman talaga ng bebe na 'to. Kumain na kami pero kakain ulit. Hehe. Angsaya naman ng tiyan ko! Unahin ko munang pakainin tong bebe Juno ko. "Mama, ano oras kayo aalis?" Tanong ni Jayden. "Tapos anong oras kayo uuwi bukas?" "Aalis kayo?" baling ko kay Tita Zai. "Ahuh. Kaya nga kayo nandito para alagaan ang mga bata." Ano?! Akala ko pa naman makaka-relax ako dito! "Hindi mo sinasabi sa kanya Yhubby?" Umiling si Tita Jai. "I wanna know her reaction." Saka siya natawa. "Oh Mimah, magkano ang rate ngayon? Dalawa kayong mag-aalaga." "Anong rate?" usisa ko na naman. Hindi ko kasi sila gets. "5000 for 2 days." Sagot ni Mimah. "tig-2500 kami." Hindi ko talaga gets ang sinasabi nila. Sinubuan ko na lang ulit si Juno. Bahala nga kayo diyan. Maya-maya dumating sina Ate Jm at Ate Liam. Kasama nila ang mga bebes din nila, ang kambal! "Seriously?! Pati sila? Make that 10000." "Okay." Sagot ni Tita Jai. "Parating na rin si Ella para tulungan kayo." --- May out of town trip sina Tita. Magbabonding pero iiwan ang mga bata sa amin. Langya naman e! Mag-aalaga pala kami ng mga bata! Buti kung dalawa lang. E apat sila! Buti nandito na rin si Ella. Pero paano na ang tulog na gusto ko? Pinuyat na ako ni Mimah papagurin pa ako ng mga makukulit na 'to. "Huwag kayong makulit ha?" bilin ni Ate JM sa kambal. "Be good Louie. Huwag mong aasarin ang kambal mo." Ngayon pa lang talaga nai-imagine ko na ang pagod ko mamaya. "Mimah, call us if anything happens. Okay? May dala kaming shanghai. Naka-separate na 'yong sa'yo." Aba! Umaliwalas ang mukha ni Mimah. May pagkain rin pala siyang kinatutuwaan! "Dana, may sasabihin ako saglit. Mauna na kayo sa loob Mimah." Sabi ni ate JM. Teka! Bakit ako? May kasalanan ako?! Kinabahan ako tuloy. Paano ba naman silang dalawa ni Tita Zai ang kakausap sa akin. Sinong hindi kakabahan diyan. At parang alam ko na kaung ano ang atraso ko. "Patingin ng kamay mo." Sabi ni Tita. De nilahad ko. Chineck ni Tita ang kamao ko. "Masakit pa ba?" Umiling ako. "Okay na po." "Nakailang suntok ka? Nakabawi ka ba? Manghihiram ba sa mukha ng aso yung namahiya sa'yo? Anong gusto mong gawin ko kena Shirie?" "Tita..." nguso ko dito. "Hayaan mo na sila. Hindi na siguro nila uulitin. Saka hindi ka naman sigurado kung sino ang nagplano no." "Actually, we already found out." Sabad ni Ate JM. "But it's still up to you kung ipa-punish namin sila. So? Anong desisyon mo?" "Huwag na. Kapag inulit na lang nila saka ako mag-iisip." "Okay. Ikaw bahala. But I don't know if Jemimah would let it pass just like that." Humalukipkip si Ate JM. "Stubborn si Jemimah. She's just like me. Well, almost. Mas nag-iisip kasi siya. Mas kalkulado. Paalalahanan mo na lang siya lagi ha? Makikinig naman siguro siya sa'yo." O baka mag-away lang kami Ate. Haha! "Hindi ako pabor na sa MZU ka. Sa ibang university sana kita pag-aaralin. Pero nandito na 'to," sabi ni Tita. Ginagap niya ang pisngi ko. "Mahirap magtiwala Dana. Pakatandaan mo yan ha? Sina Mimah lang ang kakampi mo sa MZU." Napayuko ako. Hindi ako sanay na ganito si Tita. Mas gusto ko 'yong nagsusungit siya kaysa concern na concern e. Naiiyak tuloy ako. "Ikaw na lang ang alaala ni Kuya Gavreel sa amin. Sana maintindihan mo kung bakit over protective ako sa'yo." Wala na! Tumulo na ang luha ko. "Tita naman..." Niyakap niya ako. "Proud kami ni Rion sa'yo. At siguradong natutuwa sina Papa at Kuya na alam mong ipagtanggol ang sarili mo." --- Hindi ako makausap nina Mimah. Wala ako sa mood. Ewan ko mabigat lang ang nararamdaman ko. Parang diba dapat masaya ako na hindi nagalit si Tita pero may parte ng puso ko na sana hindi na lang ako sa MZU nagpa-enrol para hindi siya mag-alala. "Tahimik natin ah." Pansin ni Ella sa akin. "Anglalim ng iniisip. Hindi mahukay?" "Ha? Pasensya na. Masakit lang ang ulo ko." "Ay naku. Magaling diyan si Jemimah. Sure maiibsan ang sakit ng ulo mo." Kalakas ng boses e. Tinawag niya si Mimah. "Jem!" Panay ang Jem habang lumalapit sa kanila e. Pumikit ako. Hindi masakit ang ulo ko. Nalulungkot lang ako talaga. Napamulat ako sa sigaw ni Juno. Kumandog siya sa akin. Hawak-hawak pa rin niya sa kamay si Mimah. Nakakatampo na talaga 'tong batang to. Ako nga 'yong kadugo ninyo e! Bakit angclingy niyo kay Jemimah? Tsk tsk. ' "Sakit ulo?" Tumango na lang ako. Siya ang naghilot ng ulo ko. "Tita Ma..." nilagay niya ang mga kamay ni Mimah sa ulo ko. "Tita...ate.. ganito...Ganyan.. gaya mo ko..." Haha! Hinihilot ako ni Juno sa noo kaso hanggang pisngi na yung abot ng kamay niya. Pumunta sa likuran ng upuan si Mimah. Sinimulat niyang imasahe ang noo ko. Hay! Angsarap! "Hindi na sakit?" tanong ulit ni Juno. Nakahawak pa sa pisngi ko ang mga kamay niyang maliliit. "Hindi na?" Tumango ako. "Hindi na. Galing magmasahe ng Juno namin e." Ngumiti siya. "Final medicine. Para hindi na sakit ulo!" Humawak siya sa balikat ko saka niya ako hinalikan sa noo. "Yiiee... Tita Ma..." "Huh?" Anong Tita Ma? Ngumuso si Juno. "Final medicine?" "Baby it's for kids lang. Ate Dana is not a kid na." sagot ni Mimah. Humalukipkip si Juno. Namumuo ang mga luha niya. "Pero sakit ulo ate. No Final medicine iiyak siya. Sakit ulo e." "Fine Fine." Suko ni Mimah sa bata. Hinawakan ako ni Mimah sa may pisngi. Bahagya niya akong pinasandal. Sapat lang para magkatitigan kami. Seryoso? Gagayahin niya ang ginawa ni Juno? Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Pumikit ako dahil yung buhok niya madadali ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Saglit lang saka niya ginulo ang buhok ko. "There. Final Medicine. She'll be fine na." "Oh my Gosh! Perfect!" pareho-pareho kaming napatingin kay Ella. Pinicturan pala ang paghalik ni Mimah sa noo ko. Aliw na aliw siyang pinakita ito sa amin. "Naku guys... secret lang talaga natin to. Pramis. Send ko 'to sa'yo Jem. Gusto mo rin ng copy Dana? Aliw! Angcute ninyong tatlo." "Baliw ka din talaga." Iiling-iling na sabi ni Mimah dito. Kinarga na niya si Juno. "Patutulugin ko na 'to. Napakakulit na e." Naiwan kami ni Ella sa mga bata. Aliw pa rin siya sa picture. "uhhh. Angcute niyo talaga. Tingnan mo 'to oh. Ako na talaga presidente ng fans club niyo. Ako ang nasa behind the scenes ng labteam niyo." "Para kang ewan." Saway ko sa kanya. "Delete mo na 'yan baka mag-ala-dragon na naman si Jemimah." Tumawa lang siya. "Hindi 'yon. Feeling ko tuloy dapat wala ako dito. De bahay-bahayan kayo ni Jemimah." Pinakita niya ulit ang picture. "Message mo ako kapag gusto mo ng copy. Hindi ko ito ide-delete. Number 1 fan niyo ko mula ngayon." Hindi ko kinakaya ang barkadahan nila! ---
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม