CHAPTER 17

2624 คำ
Harvesting & courting HALOS hindi ako makatulog kagabi dahil sa paulit-ulit kong naririnig ang boses ni King. Nag-confess talaga siya sa akin. Hindi siya nagbibiro at totoong na-love at first sight nga siya sa akin? Is that even possible?! Pagkatapos niya ngang lumabas ay lumamig pa ang lugaw na niluto para sa akin ni Tita Certiza. Paano ba naman kasi, iyong kilig ko ay super duper na! To the highest level pa! The feeling is mutual, King... Oh, my God! Tapos muntik nang may mangyari sa amin. Goodness... Kung natuloy man iyon ay hindi naman ako magsisisi na kay King ko unang ibinigay ang sarili ko. Pero kasi... Sobrang nakakahiya ang ginawa namin kagabi! H-Hinawakan niya ako...sa ano ko... The next day ay maaga akong kinatok ni Eljeh sa kuwarto ko. Itutuloy na raw namin ang pamamasyal namin. As in early in the morning kami umalis at hindi pa kami kumakain ng breakfast. Ipapakita raw niya kasi sa akin ang ricemill nila at iba’t ibang mga prutas, gulay na tinatanim nila sa farm. Hindi na kami nag-abala pa na sumakay ng kotse nila o isinama ang kabayo. Naglakad lang kami para exercise sabi ni Eljeh. Malapit lang daw kasi iyon, eh. Nagpaalam lang kami sa Mommy at Daddy niya kanina. “Gaganti tayo,” bigla ay sabi ni Eljeh at napatitig ako sa kanya. Ang suot namin ngayon ay isang simpleng itim na plain shirt, maong na pants at asul naman iyong t-shirt niya. Naka-boots na naman kaming dalawa kasi susubukan daw namin na tumulong sa pagha-harvest mamaya kasama ang mga tauhan nila. Isa pa, mukhang natatakot na kami sa sexy na dress dahil sa nangyari sa amin kagabi. Ayoko ng mahimatay sa ginaw. “Bakit naman tayo gaganti at kanino naman?” tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin. Baka sina King at Azul na naman. “Feeling ko kagabi ay mamamatay na ako sa aircon, Nica. Sobra na kasi iyong lamig pero ang boyfriend mo!” reklamo niya. “Hindi ko pa boyfriend si King, ‘no,” pagtatama ko sa kanya at mas lumakas ang ngisi niya. I pouted at her. She’s so bully, really. “Hindi pa? So, may balak ka ngang gawin na boyfriend si Mr. Dwight?” tanong niya sa akin at wala sa sariling napatango pa ako. Namilog ang eyes niya. I heaved a sigh. “Nag-confess kasi siya sa akin kagabi, eh,” kagat labing paliwanag ko. Bumakas sa maganda niyang mukha ang gulat at pagkamangha. “Talaga?! Talagang nag-confess siya sa ‘yo? Sinabi niyang gusto ka niya?!” excited na tanong pa niya. Muli akong napanguso. “Hindi iyon,” sabi ko at kumunot naman ang kanyang noo. “Ano’ng hindi?” she asked me, she looks confused. “He told me kasi noong una na naramdaman niya agad ang love at first sight,” paliwanag ko pa at napapalakpak pa siya. “That’s true! Totoo talaga ang love at first sight at mararamdaman mo talaga unexpectedly! Ganyan na ganyan ako kay Azul, eh!” tuwang-tuwa na sabi pa niya. Sa tingin ko ay iyon din ang nangyari sa akin. Kaya pala ganoon na lamang ang reaction ng puso ko dahil love at first sight din ang nararamdaman ko kay King? Kaya ba naging comfortable ako agad sa presence niya? At halos ayaw ko nang lumayo from him? Dahil same talaga kami ng feelings? Na hindi lang pagkagusto? Na totoong mahal ko na talaga si King, that fast? Napahawak naman ako sa dibdib ko at inalala ko si Jade. I uttered his name but it seems wala ng epekto pa sa akin si Jade. Parang biglang naglaho agad ang nararamdaman ko sa kanya at si King na ang nakikita kong imahe when I tried to close my eyes. Oh, God... Meaning no’n ay naka-move on na talaga ako kay Jade? Napalitan ko na nga ba siya sa puso ko? Kasi hindi ko na masyadong naaalala pa si Jade, eh! Nakalimutan ko na nga siya for real?! “How about you, Nica? You have same way feelings naman with him, right?” tanong niya sa akin. I slowly nodded my head. “Oh, gosh! Baka mamaya ay marriage proposal na agad ‘yan at wala ng ligaw-ligaw! Wedding na agad!” bulalas pa niya. Marriage proposal? I closed my eyes at pinakiramdaman ko pa ang sarili ko kung nakikita ko ba ang sarili ko na ikakasal kay King and yes! Parang hindi tutol ang puso ko at parang natuwa pa. “I don’t think so,” sambit ko at nagkibit-balikat na lamang. “But I’m rooting pa rin sa inyo. Anyway, we’re here na sa farm namin. Ricemill ang kabila,” aniya a napatingin ako sa itinuro niya. Namangha ako sa mga nakikita ko. Ang ganda ng paligid at palayan nga ang kabila nito tapos may makikita ka rin na building, hindi naman totally na malaking building pero baka iyon ang working place ng Daddy niya at ang mga tauhan nila. “Magandang umaga ho, Señorita Eljeh. Ang aga po ninyong dumating, ah,” magalang na bati ng mga iilan nilang tauhan at agad nila kaming nilapitan. “Opo, kasama ko ho ang bagong kaibigan ko. Siya po si Nica,” pakilala ni Eljeh sa akin tapos pinakatitigan na naman ako mga ito na may pagkamangha na naman. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señorita Nica. Ang ganda po niyo,” bati nila na may kasama pang compliment. Nahiya naman ako kaya ramdam ko na naman ang init sa mukha ko. “Salamat po, saka Nica na lang po. Hindi po ako sanay na tawagin akong señorita. Bisita lang po ako,” nakangiting sabi ko na tinanguan lamang nila. Si Eljeh ay humalakhak lang. “Ano ho ang unang iha-harvest niyo ngayong araw?” tanong ni Eljeh at sumunod kami sa kanila. Ang lawak at ang laki ng lupain nila. Ang ganda sa eyes na makita ang kulay berdeng kapaligiran. Grabe, parang nakawawala ng stress kapag ito agad ang unang bubungad sa ‘yo everyday. Nakaka-inspired gumising nang maaga. May mga kubo rin sila na maybe na ginagawa nilang rest place nila. “Iyong presa po, Señorita. Ngayong araw kasi kukunin ang order ng pabrika. Kaya kailangan hanggang bukas ay naani na ang lahat ng mga ‘yan,” paliwanag ng isang ginang at itinuro ang mga tanim nilang strawberry. Ang ganda... Parang ang sarap ng kainin agad. “Tutulong po kasi kami, eh. Gusto ko lang maranasan nitong kasama natin kung paano ang mag-harvest,” sabi pa ni Eljeh. “Aba, hindi madali kung baguhan lang,” naiiling na sabi ng isa. Bale, lima lang naman sila at ang iilan siguro ay nasa dulo na ng farm na ito. May nakikita na kasi akong naghihintay roon. “Ayos lang ho, baka ma-challenge pa ako,” pagsang-ayon ko at nakipag-apir pa ako kay Eljeh. Pagkarating namin sa malaking kubo na rest place nila ay wala pang kalahating minuto ay agad na kaming naghanda. Binigyan ako ni Eljeh ng malaking sumbrero, handgloves at gunting. May malaking basket din at unang tinuruan ako ng isang ginang kung paano ba ang mag-harvest ng strawberry. Sumunod lang ako sa instructions niya. Sa unang tingin pa lang ay ang akala ko talaga ay madaling gawin iyon. Kasi parang wala rin naman sa kanila. Pero habang tumatagal ay nakakapagod pala siya! Sa una lang ako na-excite kasi ang dami ngang strawberry at gusto kong makuha iyon agad. Nakaka-frustrate nga ang sobrang bagal ko. I'm not sanay kasi. “Paramihan tayo ng harvest, Nica,” panghamon pa sa akin ni Eljeh. Alam ko naman na hindi na ito ang unang beses niyang mag-harvest dahil parang wala na sa kanya ang pagod at init ng araw. “Sige ba,” sabi ko. Hindi naman ako magpapatalo sa kanya, ah. Tatlong oras yata ang tinagal namin at hingal na hingal na ako pero marami na akong na-harvest pero mas marami iyong kay Eljeh. Sanay na kasi siya, eh! Nagpapahinga naman na kami at hindi ko talaga maiwasan ang mamangha sa mga tauhan nila. Dahil ang sipag nila sa trabaho nila. Kahit nakikita ko na iyong pagod, ang pawis na namumuo sa noo at mukha nila ay patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho. Sila talaga ang may malaking sakripisyo at mabigat na trabaho. “Time out daw muna, Nica. Let’s go. May kakanin silang niluto!” excited na sabi pa ni Eljeh at binuhat niya ang basket na marami na ang laman pero nakadadalawang hakbang pa lamang siya ay may humarang na agad sa kanya at walang imik na kinuha sa kanya ang dala niya. Napangiti ako dahil si Azul na naman ang sumulpot. “Good idea, gutom na ako. Tara na, Nica! Sila na ang bahala sa mga basket!” pag-aaya niya sa akin at magtatanong pa sana ako sa kanya nang mabilis na niya akong hinila at doon ko lang din nakita si King. Kumindat lang sa akin si King bago siya tumulong kay Azul sa pagbubuhat ng mga basket. Kumislot na naman ang puso ko. Nagtungo kami sa kubo at may kakanin na nga ang nakahain sa papag saka mainit na kape na umuusok pa! Bigla akong nagutom. May nga pagkain pa na hindi na ako sigurado kung ano ang mga iyon pero alam ko na sa probinsya lang dito nila ginagawa ang mga ito. “Halina kayo at kumain mga, hija,” the old lady invited us. Naghugas muna kami ng kamay ni Eljeh at nang hilamos pa. May extra siyang dala na face towel kaya iyon ang ginamit ko saka kami umupo nang magkatabi. “Kasama mo bang pumunta rito ang isang lalaki na kasama ni Azul, hija?” tanong sa akin ng isang ginang. Napatingin tuloy ako sa dalawang lalaki na abala sa pagbubuhat ng mga basket na naglalaman ng strawberry. Hindi lang naman silang dalawa ang nagbubuhat no'n dahil may tumulong sa kanila. Kaya tiyak na mabilis din nilang matatapos iyan. “Opo,” magalang na sagot ko at kumuha ng isang kakanin. “Nobyo?” makulit na tanong pa niya. Iiling na sana ako pero naunahan na ako ni Eljehanni. “Ka-love at first sight po niya.” Siniko ko siya pero tumawa lang siya. Napasimangot tuloy ako pero nawala iyon nang bigla ay nakita ko na ang dalawa at palapit na sila sa direksyon namin. Ang puso ko ay kakaiba na naman ang pintig niya. Parang sasabog na ano but I love this feeling naman. “Oh, hayan na. Ang guguwapo talaga ng mga batang ito. Kung may anak lang akong dalaga, eh ‘di sana nireto ko na sa kanila. Ang gaganda ng mga labi, eh. Suwerte talaga ang mapapangasawa ng mga ito,” pagbibiro pa niya. Sinilip ko ang reaction ni Eljeh at ako naman ang malakas na napatawa. Nakasimangot siya habang kumakain. Natigil lang ako sa pagtawa nang maramdaman ko ang presensiya ni King at napatingin ako sa kanya. Umupo siya sa space na katabi ko at si Azul ay mabilis na lumapit din kay Eljeh. Pansin ko lang, ha. Bakit ang clingy nilang dalawa? Bakit sa amin pa talaga sila tatabi? May vacant table naman sa kabila. Bakit kailangang nasa tabi pa namin? “Can I borrow your towel, Nica?” marahan na tanong niya at tiningnan niya ang balikat ko dahil doon ko iyon inilagay. “Sure,” sabi ko at kinuha ko iyon at ibinigay sa kanya. “Thanks, hindi kayo nagsabi na maaga kayong pupunta rito,” sabi niya and thanks God, hindi naman siya mukhang galit. Kasi the last time ay ramdam ko talaga ang galit niya--nila ni Azul pala. Noong pumunta kami ni Eljeh sa falls at kahit sa pool party nga ng kambal, alam naman nila na pupunta kaming dalawa pero galit na galit silang sumugod doon. “Si Eljeh, maaga akong ginising, eh,” I reasoned out na as if iyong kasama ko ang sinisisi ko. Napaigtad naman ako sa gulat nang biglang dumampi sa gilid ng labi ko ang thumb niya. Hayan na naman ang heart ko. Natataranta na naman siya. “W-Why?” nauutal ko pang tanong sa kanya. “Ang dungis mong kumain, Nica,” natatawang sabi niya at may pinunasan lang pala siya sa labi ko. Grabe super na naman akong kinakabahan. Sa simpleng touch niya lang sa akin ay nagwawala na agad ang sistema ko. Masaya naman kaming kumakain habang nagkukuwentuhan pero ramdam ko ang pagtagal ng titig sa akin ni King. Minsan ay nahuhuli ko siya pero sa halip na mag-iiwas siya ng tingin sa akin ay ngingitian niya lamang ako. Mabilis na namumula ang magkabilang pisngi ko lalo na kasi na naaalala ko ang nangyari sa amin kagabi--eh, kahit wala namang nangyari. Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa kanya-kanya naming trabaho at may kasama na kami ni Eljeh. Kaya mas mabilis na ang pagha-harvest namin. Paminsan-minsan ay sinusubuan ako ni King bagay na hindi ko naman ginagawa kanina pero masarap pala siya kapag bagong ani pa lang. Sobrang tamis niya. Napapansin na rin kami ng iba naming kasamahan. Sa halip na sisitahin din kami dahil ilang beses kaming kumakain nito ay tinatawanan lang kami at ngingiti lang sila. Isa-isang linya ulit kami at kami na lang ang naiwan sa side na ito ni King. Bigla naman siyang nag-open up sa akin, iyong confession niya kagabi. “I hope ay hindi ka namamadalian sa akin, Nica,” usal niya. I nodded. “But I'm serious, I told you.” “How come? Parang ang bilis mong naka-move on sa first love mo, King,” sabi ko. “Trust me, Nica. Hindi ko rin alam basta sigurado ako na ikaw na...” nakangiting sabi niya at nakakahawa iyong smile niya. Malalaglag in no time ang panty ko. Goodness! “O-Okay,” sabi ko lang. He frowned dahil iyon lang ang isinagot ko sa kanya. “Okay? What do you mean by that, Nica? Are you rejecting me?” gulat na tanong niya at mabilis naman akong umiling. “No, hindi iyon ganoon, King. Nabigla lang kasi ako but thank you,” sabi ko at bigla siyang humakbang palapit sa akin. “King?” Napaatras ako. “How about you, Nica? Do you have a same feeling as mine?” malambing na tanong niya. Nadadala ako sa ganda ng boses niya. Gago naman, Gennica, eh! “Uhm...” How to confess my feelings for him without hiyang-hiya na face ko? Oh, my God talaga. “It’s still Jade, Nica? Siya pa rin ba?” marahan na tanong niya. Napailing ako bilang tugon. “May bago na?” he added. I nodded again. “Then, who?” Hindi ako nakasagot. “Kilala ko ba siya, Nica?” He's being makulit din. I took a deep breath and I closed my eyes as I pointed him. Hinawakan niya ang kamay ko na eksaktong nasa dibdib niya, sa tapat ng kanyang puso. “Then, can I court you, Gennica Dennise?” Upon hearing my name from him ay naalala ko si GD. Owemji! It's me! It's my name talaga! I am so tanga sa point na iyon na hindi ko man lang naisip na ako pala iyon! Ang GD! And a baker! “Puwedeng manligaw, Gennica?” pag-uulit niya sa linguwahe namin. Puwede nga ba? Puwede nga bang manligaw? Puwede na ba akong ligawan? Bakit paulit-ulit lang, Nica? “S-Seryoso ka, King?” nauutal kong tanong at lumingkis agad ang braso niya sa baywang ko. “Seryoso ako sa ‘yo, Gennica,” sabi niya at hinaplos na naman niya ang pang ibabang labi mo. “Can I kiss you, sweetheart?” Bago pa man ako makasagot ay mabilis na niya akong siniil ng halik sa labi. He's so fast talaga!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม