Chapter 8: Ciesta family
"AYOS na ba sa `yo ang room na ito, Ms. Gennica?" Eljehanni asked me. Siya ang naghatid sa akin sa guest room nila, kasama rin naman namin si King na dumako rin ang tingin niya sa loob. The things here are complete too.
Si Mrs. Ciesta ay hayon nakipag-usap na nga sa asawa niya at narinig ko pa na gusto nitong pauwiin si Mr. Ciesta, hindi lang dahil may bisita sila. Dahil na-miss niya nga raw ito.
Nalaman ko rin na only child din si Eljehanni kaya expected na siya ang magmamana ng villa nila. Mayroon din silang pangalawang villa na pinapa-rent nila sa mga mayayaman na pamilya na gustong magbakasyon sa kanilang lugar. Marami raw magandang pasyalan dito. Kaya kusang loob din akong sasamahan ni Eljehanni at si King.
Magiging busy siya sa purpose niya kung bakit nandito siya sa probinsya na ito. Hindi ko na rin alam kung saang lupain ba ang bibilhin niya at kung para saan din ito. Maliban sa bibilhin nga ito ng kompanya nila ayon din sa sinabi niya sa akin noong nasa Manila pa kami.
Ayoko rin naman ang maraming tanong lalo pa na privacy niya iyon at hindi na ako dapat makiusyosa pa. Magpapasalamat na lamang ako dahil naisipan niyang isama ako kahit hindi pa niya ako sobrang kilala talaga. Kahit napagkamalan pa niya akong mag-suicide*.
"Yes, thank you, and no need to be formal. Just call me Nica," I told her.
"Okay, it's Nica then call me na lang din na Eljeh. Katulad ng pagtawag sa akin ng boyfriend mo and future husband," she teasing me. Here we are again...
"What?" gulat na tanong ko.
"Just kidding. Okay, maiiwan na kita. Enjoy at bukas na bukas ay ipapasyal na kita sa villa namin. Mr. Dwight, ayos ka na sa room niyo? Wala na ba kayong kailangan na mag-asawa?" Shet, Eljehanni!
"In another guest room, Eljeh. Shut up," supladong sabi naman ni King na ikinatawa ni Eljeh. Kahit na nasa labas na siya ay maririnig pa rin ang boses niya. She's so damn annoying!
Umupo ako sa paanan ng kama at kinuha ang isang cute na pillow saka ko ito niyakap habang tinitingnan si King. Sinara niya ang pintuan bago lumapit sa akin. He sat down on the bed too but there's a distance between us. Hindi naman nakaiilang ang atmosphere sa paligid.
"How I love to go with you tomorrow but I can't. May pag-uusapan na kami ni Mr. Ciesta about the land," he said.
"Ang sabi mo ay magtatagal pa tayo. So, you have all the time in the world. Unahin mo muna ang purpose here before ka gumala. Kawawa ka naman pala, eh..." sabi ko at sumimangot siya.
"I will do that. Anyway, kanina pa pala napansin ko ang pag-iingay ng phone mo habang nasa biyahe pa tayo. There's someone calling you, Nica. Check your phone," utos niya sa akin. Pabirong sinuntok ko ang braso niya. Sa tigas no'n ay ako pa ang nasaktan kaya umigik ako sa sakit. His lips rose up. Hindi niya ininda ang pabirong suntok ko.
"It's just my parents. No big deal," sabi ko lang. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila tumatawag sa akin.
"It is. Nica, it's a big deal. It was your parents who called you. Come on, contact them and tell them that you're fine. Tell them your whereabouts. Don't make them worried about you," pangangaral niya sa akin. Somehow, may point siya roon kaya tumango lang din ako. "Hindi mo rin naman magugustuhan if your kids do what you were doing right now, Nica..."
"Kids agad, seriously King?! Get out ka na nga, magpapahinga na ako and go to your room na rin," sabi ko at hinila ko siya patayo gamit ang pag-ipit ko ng braso niya sa kilikili ko at ang pagyakap ko rito. Hindi ko na rin pinansin ang sparks na nagsisimula na namang nagpaparamdam.
The sparks that Mrs. Ciesta were talking about...
"Okay, okay... Bitaw na." I shook my head at tinulak ko na siya likod niya. Pinagsarhan ko siya agad ng pintuan.
Bumalik ako sa kama at pagbagsak na humiga. Wala na rito si King pero patuloy pa rin sa malakas na kabog ang aking dibdib.
King Dwight...
Inayos ko ang mga gamit ko at kumuha rin ng pamalit. Pumasok ako sa banyo. Ganito yata sa villa nila, kompleto na talaga ang mga gamit. Mabilis lang ang pagligo ko at nagbihis din ako agad.
Yellow sleeveless ang suot ko at itim na shorts na umabot naman hanggang tuhod ko. Umupo ako sa vanity mirror nang makakita ako ng blower kaya pinatuyo ko na ang buhok ko na lagpas balikat. Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Bahagya lang bumukas iyon at sumilip si King. Iyong mga mata at ilong niya lang ang kita.
"Bakit?" natatawang tanong ko. Para kasi siyang magnanakaw na naghihintay lang ng timing para makapasok sa loob ng hindi naman siya nahuhuli ng may-ari. He's cute...
Binilisan ko na rin ang pagpapatuyo ko ng buhok saka ko siya nilapitan sa may pintuan.
"Para kang tanga riyan," puna ko sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit napakadali ko ngayon ang makipagbiruan sa kanya. Dahil magaan naman talaga siya kausap? Dahil comfortable naman ako sa kanya? Kahit minsan may namumuo pa ring kaba sa aking dibdib?
"Labas tayo?"
"Saan?" balik na tanong ko sa kanya.
"Tara na, lumabas ka na lang diyan," aniya.
Bumalik ako sa kama para kunin ang phone ko. Hindi pa ako nakakatawag sa parents ko. Nakalimutan ko.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla niya ako aayain na lumabas, eh pagabi na.
"Mamaya, malalaman mo," sabi niya lang. I just shrugged my shoulder. "Did you call your parents already?" I shook my head.
"I forgot. I call na lang them later," I uttered.
"Do it now, Nica..." he warned me. Para akong bata kung tratuhin niyang ganoon kaya siniko ko siya. Hindi na naman niya iyon ininda. Hindi talaga siya nasasaktan, tss. Maliban sa pagsabunot ko sa kanyang buhok.
Kinalikot ko na lamang ang phone ko at tiningnan ang contact. Since si Daddy lang talaga ang makulit na tumatawag sa akin na sinasadya kong hindi sagutin ay siya na rin ang tinawagan ko.
Wala pa yatang two rings ay agad nang may sumagot from the other line.
"Nica! Where have you been, anak?"
Hinanda ko pa ang sarili ko na baka ang malakas at galit na galit na boses ni Dad ang maririnig ko. Dahil expected ko na pagagalitan niya ako dahil sa biglang pagkawala ko na hindi naman ako nagpaalam sa kanila.
Pero ang malumanay at umiiyak niyang boses ang aking narinig. Oo, lalaki si Dad. Kung titingnan mo sa labas, sa kompanya nila. Akala mo ay sobrang seryoso at walang weakness pero hindi ngayon, at hindi sa pamilya niya na ipinapakita sa amin ang pagmamahal at pag-aalala niya.
Umiiyak din naman sila. Hindi naman kasi porket lalaki ka at alam nila na matapang ka ay hindi ka na marunong umiyak o hindi ka allowed na maging mahina sometimes.
"W-Where are you, baby? Why you didn't accept your phone? Nag-aalala na kami ng Mommy mo sa `yo, anak. Nica..." Mukhang nasa loob ng opisina niya si Dad dahilan wala kang maririnig na ingay kundi ang paghikbi niya.
"Dad, I'm so sorry..." I feel guilty. It was a bad idea na maglayas at malalaman mo lang na mag-aalala lang sa `yo ang parents mo and worts, umaabot sa point na iiyakan ka nila sa sobrang pag-aalala.
"It's okay, baby... It's fine... Sabihin mo lang kay Daddy kung nasaan ka... Nasaan ka ba ngayon, anak ko?" garalgal ang boses na tanong sa akin ni Dad. Humugot ako ng malalim na hininga at napatingin ako kay King.
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami malapit sa malaking terrace at sa halip na mauuna si King doon, dahil doon pala ang balak niyang pumunta kami ay huminto rin siya. Tahimik na pinagmamasdan lang ako at habang kausap ko ang daddy ko.
Tipid ko siyang nginitian at tila may magnet na naman sa kanya kaya hindi na rin ako nag-iwas ng tingin. Wala rin naman iyon sa kanya.
"I'm fine, Dad... I'm so sorry. N-Napaka-selfish ko po dahil hindi ko man lang kayo inalala ni Mommy... Hindi na po mauulit, Dad... But rest assured po na I'm fine... Nasa..." Tumango si King sa akin nang ma-gets niya ang balak kong pagsenyas sa kanya na kung puwede ko bang sabihin sa aking ama ang whereabouts namin, and of course, I won't tell to my father that I'm with a guy. No way in hell... "Nasa Sta Rosa po ako, Dad. You know that province?" I asked him.
"S-Sta Rosa? Malapit diyan ang Villa Ciesta, anak?" he asked back. I nodded my head kahit hindi niya ako nakikita. Si King lang. He leaned his back on the wall, and place his hands inside his pocket, while staring at me. Uneasy na naman ako.
"Opo, and actually I'm here nga po sa Villa Ciesta, Dad. Kadarating lang po," I said. Narinig ko ang tila paghinga niya ng maluwag nang marinig ang isinagot ko.
"Villa Ciesta... I know the Ciesta family, anak... Sino ang kasama mo riyan? Ano ba ang sasakyan mo sa pagpunta sa Sta Rosa?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Dad...I'm with my friend," sabi ko at kinagat ko ang lower lips ko. Siguro naman puwede ko na siyang i-consider na friend ko?
"Friend? Kilala ba namin siya ng Mommy mo, Nica?" malambing na tanong niya sa akin. I glanced at King again...
"Uhm... H-Hindi po, Dad eh..." I replied.
"Nica..."
"Dad... He's mabait naman--"
"He? He's a guy, Nica? Puwede ko bang makausap?" Hayon, naging seryoso na ang boses ni Dad. Napaka-overprotective niya talaga when it comes to me. Dahil alam niya iyong status ko ngayon sa buhay...
Loner and brokenhearted.
"G-Gusto kang makausap ni Dad... A-Ayos lang ba?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya.
Nagulat naman siya at umayos sa pagkakatayo niya. Ilang beses siyang kumurap-kurap at bayolenteng napalunok pa. Bakit namumuti siya agad?
"Kasama mo ba siya ngayon, anak? Mapagkakatiwalaan ba iyan?" tanong ni Dad mula sa kabilang linya. I took a deep breath.
"Opo, Dad but--" hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang inabot na niya ang phone ko at nakipag-usap na kay Daddy.
Gusto ko sanang marinig ang sasabihin niya kay Daddy pero sumenyas siya sa akin na pumunta na sa terrace pero mariin na umiling ako. Ayoko nga... Gusto kong makinig sa kanila.
"There you are, Nica!" masiglang sabi ni Eljeh at mabilis siyang nakalapit sa amin. Lumingkis agad ang braso niya sa akin at hinila ako. "May kausap pa pala si Mr. Dwight. Ewan na muna natin siya," sabi niya at hindi man lang ako nakapagprotesta.
Sinulyapan ko pa si King na nahuli ko pa ang pagtingin niya sa akin. Tumango siya sa akin kaya humaba ang nguso ko. Nagpatianod na lamang ako kay Eljeh.
Ang laki naman pala talaga ng terrace nila at may dalawang round table doon.
"Ms. Nica." Nandoon din si Mrs. Nica at mukhang kadarating lang din ng asawa nito. Dahil nakasuot pa ito ng office attire niya. "Where's Mr. Dwight?" she asked me.
"Kausap po niya ang Dad ko, Mrs. Ciesta," magalang na sagot ko and Eljeh guided me to sit right beside her.
"Tita Certiza na lang, hija, and this handsome man na sa tabi ko, his my beloved husband, Eljed. Call him Tito El." Walang halong kasinungalingan nga ang sinabi ni Tita Certiza... Her husband is so damn good looking...
Tumayo ang daddy ni Eljeh at inabot nito ang kamay ko, para kintalan ng halik ang likod nito. Nagulat pa ako kahit hindi na bago ang pangyayari na ito sa akin.
"Nice to meet you, Ms. Nica."
"L-Likewise po, Tito," nauutal ko pang sabi at kamukhang-kamukha niya talaga si Eljeh. Iyong eyes na namana niya from her dad. Halatang may lahing foreigner.
Ang tangkad nito, ang tangos din ng ilong. Sobrang guwapo rin. Magagandang lahi nga sila.
"Speechless ka sa looks ni Dad, Nica? Half-half `yan si Dad. Half German, half Filipino," Eljeh said and I nodded my head, parang siya rin naman, ah.
"Ang galing naman po," iyon lamang ang naibulalas ko na ikinatawa nilang tatlo.
Napatingin ako sa left side ko dahil nararamdaman ko na ang papalapit ng pamilyar na presensya ni King. He's done talking with Dad?
"Mr. Dwight."
"Mr. Ciesta." Nagbatian na naman silang dalawa at umupo sa kabilang side ko si King.
"Tapos na kayong mag-usap ni Dad?" I asked him nang magkaroon ako ng chance na makausap din siya. Dahil halos silang dalawa na lamang ang nag-uusap ni Tito Eljed.
"Yeah."
"Ano ang pinag-usapan niyo?" curious na tanong ko sa kanya.
"He just asked my name and asked about my family background. Kung may mangyayari na hindi maganda sa `yo, he said... Alam na raw nila kung saan sila dapat pumunta para kasuhan kami ng k********g," he answered.
"Eh, bakit mukhang masaya ka pa, aber?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Nakikita ko kasi ang multo-multo niyang ngiti.
"Secret, Nica..."
"Parang kanina lang ay takot na takot kang makipag-usap sa Daddy ko, ha..." nanunuyang sabi ko sa kanya.
"Of course... Kinabahan pa nga," pag-amin niya at natawa naman ako.
"Are you in a relationship?" tanong ni Mr. Ciesta.
"Hindi pa, hon... Nagsisimula pa lang ang love life nila," sagot ng kanyang asawa.
"How about my daughter? Hindi mo pa ba nakukuha ang matamis na oo ng hardinero natin, Eljeh?"
"Dad!"
Hardinero? Matamis na oo? Don't tell me...
"I'm not courting him kaya, Dad! Don't listen to him, Nica... He was just kidding..." Her father just laughed.
Parang favor naman kay Mr. Ciesta kung hardinero lang ang magiging asawa ng unica hija niya.