Gladi POV. KANINA pa nakahain sa ibabaw ng mesa ang mga pagkaing inorder ko, ngunit hindi ko pa rin magawang kumain. Gusto kong hintayin si Master M, mas gusto kong makasabay siya. Kaya kahit unti-unti nang lumalamig ang mga pagkain, hindi ko iyon pinapansin. Paulit-ulit akong sumusulyap sa orasan. Halos dalawang oras na siyang natutulog. Sa wakas… makakakain na rin kami. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, sa totoo lang, parang may kumukulong kung ano sa loob ko sa sobrang gutom. Eksaktong tumuntong sa dalawang oras, tumayo ako mula sa sofa at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nakahiga na siya nang patihaya ngayon. Wala na rin ang kumot na kanina’y maingat kong ipinantakip sa kanya. Napahinto ako. Napalunok. Hindi ko napigilang mapatingin… at mapatulala. Ang kaninang gutom ko sa pagka

