Matias POV. NANARIWA sa isip ko ang ginawa sa akin ni Orange. Ano ang motibo ng babaeng iyon? Bakit niya ako ipinakilala na ama ng anak niya? Hindi pa sana ako uuwi, ngunit wala na rin akong magawa, hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho. Kaya nagpaalam na ako sa SA Agencia. Mabuti na lang at wala kaming kasalukuyang misyon. “Virgo, mauuna na ako. May konting problema lang sa bahay,” sabi ko habang inaayos ang aking gamit. “Babae ba, pinsan?” biro niya. “Hindi. Dumating daw si Orange, dala ang anak niya… at ako ang itinuturong ama,” sagot ko, pilit kinokontrol ang inis. “Siya ba ‘yung babaeng dapat mo nang pakasalan, pero nahuli mong may ibang lalaki?” tanong niya. “Oo. Siya rin ‘yon,” malamig kong sagot. “Wala talagang hiya ang babaeng iyon. Akala yata niya madali niya akong

