Gladi POV. Minutes before Master M arrived…” Ikinagulat ko ang mga sinabi ni Orange, at ayaw ko pa rin maniwala sa kanyang mga salita. Ngunit ng ipakita niya sa akin ang kanyang real name na naka-tattoo sa tagiliran at sinabi ang history ng pamilya niya… doon pa lang ako naniwala sa kanya. “Iyon ang totoo, alam kong ligtas dito ang bata.” wika pa niya. “Kapag nalaman ni Master M, ang buong katotohanan, sa akala mo bubuhayin niya ako?” “Glad, marami ng nangyari sa inyo, pero hindi ka niya binibitawan. Isang patunay na mahalaga ka sa kanya.” aniya pa. Umiling ako, ang takot sa aking puso ay unti-unting bumangon. Kilala ko si Master M, wala siyang sinasanto, pinaka demonyo na yata sa lahat. “Pakiusap Glad, para na lang sa bata.” “No, I can’t, I’m sorry… t-tama ka marami ng nangyari. T

