Gladi POV SA ganitong oras… bakit niya ako dinala rito? Sa relo ko, masyado pang maaga para magtungo sa club. Hindi ko mapigilan ang kaba habang nakatingin sa paligid... unti-unting gumapang sa dibdib ko. Umiikot kami sa likuran ng club at pumasok sa back door. Madilim sa loob, ngunit habang papasok kami, unti-unting nagliliwanag ang paligid. Hanggang sa… napahinto ako na nakita ko sila. Ang mga taong kahit minsan ay hindi nawala sa isipan ko. Lumapit si Master M at bumulong sa akin. “Go ahead… gawin mo ang lahat para mawala ang sakit na matagal mo nang kinikimkim. Nandito lang ako sa gilid,” aniya bago ako bahagyang tinulak pasulong. Napalinga ako. Madilim ang paligid, ngunit ang ilaw ay nakatutok sa kanila. Sa mga taong sumira sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit. “Wo

