Dianne "Gusto mong patunayan ko na kaya kong paibigin si Ma'am Dianne?" Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit sa balintataw niya ang narinig niya kanina bago siya pumasok sa silid. Totoong nagtalo si Franco at Lydia sa kadahilanang hindi rin malinaw sa kanya. Ang kaso, gusto niyang mainsulto dahil ginawa pa siyang pustahan ng dalawa. So, Franco's mission is to make her fall into his trap. What else is new? Sa maling lalaki na naman ba siya natapat? "Gusto ko munang sagutin mo ang tanong ko. Masarap naman akong humalik, hindi ba?" ulit nitong tanong na wala yatang balak na umalis sa harap niya hangga't hindi siya sumasagot sa tanong nito. "I don't know what you're trying to prove, Franco. So what if you're a good kisser? Hindi lang ikaw ang lalaking masarap humalik," sagot niya na

