Mabagal na naglalakad ng sabay sina Rex at Angelo sa gilid ng daan sa loob ng park. Pasikat na ang araw kaya naman naghahalo ang alinsangan at malamig na simoy ng hangin. Nakasakay sa baby carrier na nakasukbit sa mga balikat ni Angelo si baby Anglo at nakalagay ito sa harapan niya. Nandito sila sa park para paarawan at mailibot na din si baby. “Sinabi sa akin na naibalik na raw sa kumpanya ang mga nanakaw na pera ni Danica,” wika ni Angelo. Tiningnan ni Rex sandali si Angelo. Tumango-tango siya. “Oo,” sagot niya saka muli siyang tumingin sa nilalakaran nila. Bahagyang ngumiti si Angelo. “Mabuti naman. Malaki ring gulo ang ginawa ng asawa mo sa kumpanya. Mabuti na lamang din at hindi ito lumabas sa media dahil kung oo, mas malaking gulo,” aniya. Tumango-tango naman si Rex. “Kailangan

