Special chapter 1: Baby tooth MABILIS lumipas ang mga araw at ang baby namin ay four months old na. Maayos din naman ang relasyon namin ng asawa ko. Walang nagbago at ngayon nga ay nagagawa ko na ulit sabihin sa kaniya kung gaano ko rin siya kamahal. Siya nga lang ang nauuna. Ang Kuya Zaidyx at Ate Florence namin ay back to school na nga sila. Four years old pa lang ang baby girl ko, kinder pa rin siya until now, kaya araw-araw ay half-day lang ang class niya which is ikinatuwa niya talaga iyon. Gusto niya palaging nasa house na lang namin. Para daw maalagaan niya ang baby brother niya. Ang baby boy ko naman ay grade 1 na siya, wala na siyang half-day classes. Every morning ay hinahatid sila ng daddy nila at sabay rin silang umuwi. Maliban kay Florence na sinusundo na lang ng family dr

