Chapter 40: Cute punishment ISANG oras lang ang lumipas ng tumawag ang asawa ko. Papasok na raw siya sa trabaho niya. Kahit importante ang ginagawa ko sa opisina ay umalis pa rin ako para lang mapuntahan siya. Pero pagdating ko sa bahay namin ay wala namang tao. Inilabas ko ang cell phone ko at tinawagan siya. “Where are you, baby?” tanong ko nang sinagot niya ang tawag. “Nasa hospital na ako. Bakit?” tanong niya na parang wala kaming pinag-usapan kanina. “Hindi ba may usapan tayo na susunduin kita sa bahay para ihatid sa hospital, Francine? Nakalimutan mo ba iyon?” mahinahon na tanong ko. Sinisikap kong pahabain ang pasensiya ko. Hindi dahil buntis siya at takot akong magalit na naman sa akin. Just like what I said, bumabawi pa ako sa kanila ng mga anak namin. Higit na sa kaniya, m

