UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 45 Daniel’s Point of View Nang gabing iyon bago ako nakatulog ay naisip ko lahat ang mga sinabi sa akin ni Rizza at Lolo. Minsan, may mga naisasakripisyo kung gusto mong magtagumpay. Si Rizza, naisakripisyo niya ang pagmamahal niya kay Rhon dahil gusto niyang makamit ang isang pangarap. Si Lolo, puwede pa sana niyang nabuo ang pamilya niya nang hindi na muna niya inayos ang buhay bago binalikan ang pamilya. Ako, kailangan ko munang ayusin ang buhay ko bago ko ipagpatuloy ang sa amin ni Janine. Tama si lolo, kung kami talaga ni Janine, kaya niya akong hintayin. Kung kami ang itinadhana, muling magku-krus ang aming landas. Sa ngayon, kailangan ko munang gawin ang dapat kong unahin at tapusin, hindi lang para sa akin kundi para din sa pagkabuo

