Naging maayos naman ang naging, pamamanhikan nina Kurt. At tanging si Madam Adelaida lang ang kasama n'ya. Hindi na rin nagulat, sina Nanay at Tatay dahil nakausap na pala sila ni Kurt. Nasabi rin ni Kurt sa akin, na nasa Pilipinas na ang Daddy n'ya. Muli akong nakaramdam ng pangamba at takot, ngunit nangako si Kurt na, hindi n'ya ako pababayaan. Kakayanin namin na magkasamang dalawa. Ngayong taon ang napili namin ikasal. Ewan ko ba, kung bakit nagmamadali si Kurt. At wala naman tumutol sa partida namin. Simula ng may nangyari samin ni Kurt, mas lalo pa s'yang naging maalaga sa akin. Palagi akong tinatanong kung dumating na ba, ang monthly period ko. Baka daw buntis na ako, pasaway talaga. Ang saya ko, sa wakas may happy ending na ang love story namin dalawa. "Congratulations Chef D! B

