N'gayon araw ang alis namin ni Kurt papunta ng La Union. Kung bakit naman kasi s'ya pa ang kasama ko. Bumangon na ako para makaligo. Hindi na ako nag abala pang magsuot ng bra ako na lang naman mag-isa dito sa bahay. Maagang naalis sina Nanay para magbukas ng pwesto sa palengke. Kumuha ako ng tuwalya saka naglakad pababa. Naghihikab pa ako habang naglalakad . Kung bakit ba naman kasi ang sarap matulog lalo na medyo maulan ngayon. "Good morning! Sweetheart," Nagulat pa ako ng may magsalita sa baba. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kurt nakatayo at malawak ang ngiti na nakatingin sa akin. Kaya naman nagmadali akong bumababa para pagalitan s'ya. Kaagad akong lumapit sa kanya na nakapameywang pa. Amoy na amoy ko ang pabango nito na ang sarap sa ilong. Kaya medyo nakaramdam ako nang h

