"Abuelo! Abuelo! Wait sasama ako sayo," tawag ko pa sa kanya habang naglalakad kami sa isang magandang Lugar na ngayon ko lang nakita. Ang ganda dito! Abuelo, dito ka ba nakatira?" Manghang tanong ko ko pa sa kanya muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid. "Oo, Hijo, gusto mo na ba dito?" Tanong n'ya pa sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Nagsimula na ulit kaming maglakad may nakita rin akong, babae na naglalakad pero, hindi ko makita ang mukha n'ya dahil nakatalikod ito. Kaya hinayaan ko na lang s'ya. "Abuelo, hindi ba natin, isasama si Abuela? Saka si Dior? For sure, matutuwa sila dito." tanong ko pa. Natawa naman s'ya sa sinabi ko. "Gusto mo bang isama na s'ya? Your Abuela is very talkative. Baka magalit ang mga tao dito." biro pa ni Abuelo. "So, tayo la

