Climax 44 Nakatingin si Regine sa wall clock at hinihintay ang pagdating ni Arthur. Alas Dies pasado na at wala pa ito . "Ang tagal mo naman Arthur." Nakanguso na siya at kanina pa hawak ang mikropono. "Malamig na ang niluto ko!" Bulalas niya at tumayo nang makita ang ilaw sa labas. Natili siya sa sobrang excitement. "Feeling ko tuloy wet and sweet sixteen pa ako!" Saad ni Regine. Hinihintay niyang dumating si Arthur. Sa pagbukas ng pintuan, nagulat si Arthur dahil narinig niya ang wala sa tonong pagkanta ni Regine. In your heart I can still hear a beat for every time you kiss me And when we're apart, I know how much you miss me I can feel your love for me in your heart Abot langit ang ngiti ni Arthur kahit na wala sa tono si Regine na nag-enjoy siyang panuorin ang nobya.

