Climax 47 "CASE DISMISSED" Halos magwala sa loob ng Trial Court si Camaia dahil sa nabasura ang ikinaso kay Arthur. Habang si Attorney Ric ay nananatiling inaasikaso ang kanyang Counter Affidavit sa kasong isinampa ni Regine. Mainit ang kanyang pangalan sa loob ng Regional Trial Court. Kinakialangan ng DUE PROCESS upang mapatunayan lahat ng akusasyon ni Regine sa kanya. Dagdag pa rito ang Bigamy, Forgery, Falsification of Public Documents at Violence Against women. "Nanalo ka nga Attorney Ric, pero matatalo ka sa kaso mo, sa Asawa mo!" saad ni Camaia at tinawanan si Ric. Tahimik lang si Arthur at hindi kumikibo. Napansin niya ang mukha ni Ric na walang reaksyon. "Thanks Attorney," pakikipagkamay ni Arthur dito. "Welcome, I'll go ahead," sagot ni Ric at maikli lamang ang pagngiti nit

