Climax 51 Hawak ni Regine ang big cart dahil siya'y namimili ng pagkain para sa kanila ni Arthur. Bahagya ng lumalaki ang tiyan ni Regine. Dahil maliit lang ang kanyang bulas, mukha pa rin siyang dalaga. Napatingin siya sa mga Dairy products at kumuha siya ng isang galon na ube ice cream. "Hay ang sarap nito," sambit niya. Hindi niya kasama si Arthur dahil nag-apply ito ng trabaho sa ibang kompanya. Lalong sasusunod na araw na ang Hearing para sa kaso ni Ric. "Kapal din ng mukha mong kabit ka!" Napatigil si Regine at nilingon ang tumulak sa kanya. Awtomatikong nagsi-akyatan ang dugo sa ulo ni Regine dahil nakita niya si Jinx. "Oh! Bakla ikaw pala 'yan." Sigaw ni Regine at ayaw niyang urungan si Jinx. "Bakla nga ako kaya papatulan kita!" aniya nito. Akmang sasbaunutan ni Jinx si Re

