Climax 33 Ilang doorbell ang narinig ni Regine kaya siya'y nagising. Nakuha niyang matulog sa sala at hindi inistorbo si Arthur. Kinukusot niya pa ang kanyang mga mata. Tumapat siya sa bintana at bahagyang sumilip. "WHAT THE?!" Nanlaki ang mga mata ni Regine nang makita si Smith. Nagtatakbo siya at kinabog ang pintuan ni Arthur. "Arthur! Si Sir Smith!" Pangungulit niya. Binuksan ni Arthur ang pintuan at hinablot siya papasok. "Magtatago ako!" Sambit ni Regine. Hindi kumibo ang binata at sinaraduhan siya ng pinto. "Arthur!?" Gulat na pagtatanong ni Smith sa kanya. "Bakit ka nandito? Akala kong si Austine ang nakatira dito?" Dagdag ni Smith. "Ah--" hindi natuloy ang pagsasalita Arthur nang lumitaw si Archer. "LOLO!" Yumakap ang bata kay Smith. "Hay! Bakit ba kayo nandito?

