NAGING mainit ang panahon nang mga sandaling iyon kaya kahit nabubongan ang taniman naramdaman niya pa rin ang init sa kaniyang balat. Imbis na bumalik sila ni Aristhon ng bulwagan nagtungo na lamang sila ng taniman dahil patapos na rin ang misa. Ang iba pang mga preso ay nagsibalikan na rin naman sa kanilang mga nakatukang gawain para sa araw na iyon. Pagkapasok nga ng taniman humiwalay siya kay Aristhon na hindi ito tinitingnan. Kasama nitong nagtungo sa upuan ang guwardiyang nakatalaga sa kanilang selda. Kapwa nila nilampasan ang mga halamang tumutubo roon. Hindi na siya nagpalit ng kaniyang suot kahit nangingitim ang laylayan ng kaniyang pang-itaas. Nagtungo siya kapagkuwan sa bahagi ng taniman na kaniyang inaalisan ng damo. Sa kapal at lapad ng damo aabutan siya ng buong araw sa pag

