NAGISING na lamang siya dahil sa isang tabong tubig na binuhos sa kaniyang mukha, nanunuot ang lamig niyon sa kaniyang namumutalang balat. Nararamdaman niya ang bigat ng kaniyang katawan at nalaman niya na lamang kung bakit nang imulat niya ang kaniyang mga mata na umuubo dahil sa pumasok na tubig sa kaniyang bibig. Nakalambitin siya sa kisame na para bang siya ay kakatayin ng buhay katabi ng bilugang ilaw, natatalian ang kaniyang kamay ng kadenang bakal. Sa harapan niya ay nakaupo si Aristhon sa isang silya, isinandig nito ang likod habang nakabukaka. Wala na silang ibang kasama sa kusina nang sandaling iyon. Silang dalawa lamang ang naroon matapos paalisin ni Aristhon ang mga alagad nito. Nakaipit sa bibig nito ang sigarilyo kaya naglalaro ang usok niyon sa mukha nito, lumalayo lamang

