Maingay at maraming kilalang negosyante ang nasa loob ng underground na ito. The Black Market Organization. Kung saan naging miyembro ako ng malaking organisasyon na ito. "Boss? Nandito si Rios Madrigal." Bulong sa akin ni Sanjo. "Sino kasama niya?" tanong ko rito habang sumisimsim ng alak. "Ang kakambal ni Boss Kaleb. At si Zoe Madrigal." "Maghintay lang kayo dito," saad ko at tumayo na. Pumunta muna ako sa taas at pumasok sa isang pribadong silid. "Agent 22." Bungad ni Althea Mitchell. "Pumunta ba dito si L.A?" Tanong ko rito. "Simula noong nakulong ka at hanggang nakalabas ng kulungan, hindi na nagpakita si L.A." aniya sa akin ni Althea. Si Althea Mitchell ay pamangkin ni Tita Gaia. Ang Mommy niya ay isang Assassin na si Tanya Mitchell. "Secure niyo ang stockholder ni Pablo So

