"Andra?" Humarap naman ako kay Daddy. "Dad?" "Are you okay?" nag-alalang tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako kay Daddy. "Yes. Medyo nahihilo lang ako. Mamaya maging okay na rin ako." Nakaraang araw, pumunta dito sa mansion namin si Kaleb. Nakiusap kay Daddy para kausapin ako. Sinabi rin niya kay Daddy tungkol sa relasyon namin. "Bakit hindi mo subukan mahalin siya. Mabait naman ang Presidente. At nakikita ko na mahal na mahal ka niya," aniya ni Daddy. Napabuntonghininga ako. "Ayoko muna pag-uusapan ito, Dad." "Andra. Palayain mo na si Quatro sa puso mo. Start a new life, baby. Kahit masakit din na nawala ang Mommy niyo, tinanggap ko. Dahil iniisip ko kayong dalawa ni Phoenix." "Tanggap ko na po na wala si Quatro. Masaya na po siya kung nasaan man siya ngayon. Si President Sorren

