ANTON'S POV: PAGDATING namin ng unit, kaagad nang naligo si Trixie. Ako naman, nagluto na muna ako ng makakain namin. Kumain na kami kanina sa studio pero nakakagutom din at pasado alasdyes na. While cooking, I couldn’t help but think about Trixie’s situation here. How hard it is for her to move around in public like a normal person. Being in showbiz is really tough too. Madalas ang nakikita ng mga fans, ang magandang career ng mga artista. Ang pagiging sikat nila at kinikita nila sa trabaho. Hindi naa-appreciate ang mga bagay na isinakripisyo ng mga idol nila sa pagpasok sa showbiz. Katulad ni Trixie. Kinailangan niyang malayo sa pamilya niya. Dito na siya sa Toronto nahulma sa pagmomodelo. She also sacrificed her freedom. She can’t just go out whenever she wants. Even going to the ma

