Chapter 8

1631 คำ
TRIXIE'S POV: MAGHAPON akong nakakulong sa silid ko na nagpahinga. I heard the door opened without a knock, but I didn’t turn around. Nakahiga pa rin ako sa malambot na kama ko dito sa mansion, nakatalikod sa gawi ng pinto, habang nakatulala sa bintana. “Trixie, sweetheart, eat something– even just a little. Maghapon kang walang kinain oh?” I heard Mom say from the doorway. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, pero hindi ako sumagot. Hindi ako makakain. Wala akong appetite kumain maski ang makipagkulitan sa kanila. I heard her footsteps walk towards me. “Sweetheart, please? Don't be hart to yourself, hmm? Kumain ka, nagluto ako ng paborito mong chicken adobo oh,” malambing wika nito. Nasamyo ko nga ang pamilyar na amoy ng kanyang adobo. Nakakatakam na nagpakalam sa tyan ko. I sat up slowly, my body feeling like it was carrying a weight I couldn’t shake off. Masakit ang p********e ko, at ang buong katawan ko na parang binugbog ng sampung katao. Naupo ang mommy sa gilid ng kama na ibinaba na muna sa mesa ang dalang pagkain na nakalagay sa tray. She also bring my favorite dessert– ube cake. “How do you feel, sweetie? May sinat kanina when I checked on you. Mabigat pa rin ba ang katawan mo?” tanong ng mommy na nag-aalala. I nodded and forced my smile. “Medyo masama nga po ang pakiramdam ko, Mom. But I'm okay po. Hwag niyo akong alalahanin. Nabigla lang ang katawan ko sa klima dito, idagdag pang wala akong maayos na pahinga,” sagot ko dito na lumamlam ang mga matang hinaplos ako sa ulo. “Do you want me to massage you, anak?” “Naku, Mom, hwag na po. Ayokong mapagod kayo. Okay lang po ako. Iinom na lang po ako ng gamot mamaya at matutulog ulit. Pasensiya na po kayo. Babawi po ako sa mga susunod na araw sa inyo, I promise,” sagot ko na ikinangiti nitong tumango. “Sige, kumain ka na muna, hmm? Let me feed you,” aniya na inabot ang tray at sinubuan ako. Hindi na ako umangal. Tinanggap ang bawat isininusubo ng mommy sa akin. It feels so good to be taken care of by mom even when you’re all grown up. I miss being little– when Dad and she would treat me like their baby. After Mom fed me, she also gave me some medicine before saying goodbye and leaving my room. I took a deep breath, staring up at the ceiling as last night’s events with Anton on the island played over and over in my head. Napapikit ako na sinasariwa ang mga malinaw sa memorya kong conversation namin ni Anton habang nakaupo sa pino at puting buhangin sa gilid pampang kagabi. *** “You’re different from other girls I know,” saad niya na may ngiti sa mga labi at kitang tamado na rin sa nainom. Katulad ko kasi, namumula na ang pisngi at leeg niya dala ng alcohol. Wine lang ang inumin namin pero– ilang bote na rin ang nauubos naming dalawa. “In a good way, I hope,” sagot ko na may tawa sa dulo at bakas ang kalasingan. Hindi ko rin maintindihan pero– mabilis niya akong mapangiti at mapatawa, bagay na siya lang ang nakakagawa. “Oo, sa napakagandang paraan,” sagot nito na nagtaas baba pa ng mga kilay at may ngiti sa mga labi. We stared at each other, both smiling– like we were the only two people in that place. It felt so good to look into his eyes, like he was drawing me under his spell. Nalulunod ako kahit wala naman kami sa tubig. Basta, ang sarap sa pakiramdam makipagtitigan sa kanya. Na para niya akong hinihigop nang buong-buo. Natatangay niya ang diwa ko sa kanyang mga ngiti at titig. Lalo pa't ang expressive ng mga mata niyang mapupungay. Na kahit sinong babae, bibigay at bibigay. Nag-init ang mukha ko na maalala ang parteng mapusok kaming nahhahalikan sa silid habang magkayakap! Ang bawat paghagod ng mga labi niya ay nakatatak na sa isipan ko. Na kahit inaalala ko lang ang mga iyon, tila totoong totoo. Na nararamdaman ko ang paghagod ng mga labi niya sa aking mga labi. *** “Damn, Trix, what's happening to you?” asik ng isipan ko na pilit winaglit sa isipan ang mainit na pinagsaluhan namin ni Anton kagabi! “Kumusta na kaya siya? Hinanap niya manlang ba ako nang magising na siya na wala na ako doon?” usal ko na nakatulala na naman at naiisip si Anton! Napakurap-kurap ako na bumalik ang naglalakbay kong diwa nang marinig ang cellphone kong nagri-ring sa bedside table. Inabot ko iyon at sinagot na makitang si Liza– ang manager at best friend ko ang caller. “Trixie! How are you? Are you back in Manila already?” she asked right away when I answered. Napangiti ako. “Yeah, kaninang umaga pa,” sagot ko. “Why do you sound so sad? What happened at the rest house?” she asked. She really knows me very well. Mahigit sampung taon ko ba naman siyang kasa-kasama. Kaya kabisadong kabisado na niya ako. “Nothing, Liza. I'm just tired,” I replied. “C’mon, Trix, sa akin ka pa ba maglilihim?” aniya na mababa ang tono, kinukumbinsi akong magkwento. Napahinga ako nang malalim. Napahilot sa sentido. May epekto pa rin ang hangover sa akin na lalong nagpapabigat ng ulo at katawan ko. “Fine, I. . . I met someone yesterday. He's handsome, tall, charming and sweet guy. Kuya siya ni Nicolette– ang hipag ko na napangasawa ni Lucas. His name is Anton. He's a governor– hot, handsome and young government. He's a single dad at nasa thirties na din. Nauna lang siya sa akin ng tatlong taon.” Pagkukwento ko. “Okay, and? What happened next, Trix?” she replied. Napailing ako na hinihilot ang ulo habang nakalapat ang cellphone sa tainga ko. “Hayon, kami ang pares sa kasal. Siya ang best man ni Lucas, habang ako ang bridesmaid ni Nicollete. Nagkainuman kami kagabi. Masaya naman siyang kausap, Liz, alam mo ‘yon? Ang gaan kaagad ng loob ko sa kanya. Komportable ako at pakiramdam ko, ligtas ako sa piling niya.” Pagkukwento ko dito na napasinghap. “A’right, nakukuha kong bet mo siya. That he's a good catch. Hindi mo naman siguro– ibinigay ang katawan mo, right? Kung sabagay, you're not that kind of woman. Na easy to get at makikipag-s*x kahit sa bagong kakilala. I know you, Trix. Masaya ako na may lalakeng nakakakuha na ngayon ng attention mo. Pero ang tanong– bibigyan mo ba siya ng pagkakataon?” aniya. Hindi ako nakaimik. Paano ko ba sasabihin sa best friend kong tama siya? Na naisuko ko ang kalinisan ko kay Anton kagabi? Napailing ako na hindi na lamang inungkat ang tungkol doon. Nakakahiya rin kasi. “Ewan ko, wala naman siyang sinabing gusto niya ako e. Isa pa, I'm going back there in a few days. Kaya wala na kaming panahon na magkitang muli ni Anton. We're both busy person. Once in a blue moon lang na magkrus ang landas namin.” Sagot ko na iniba na ang topic. HALOS isang oras kaming nagkwentuhan ni Liza bago nagpaalam na magpapahinga na. May guilt sa puso ko na hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa namagitan sa amin ni Anton. Bahala na. Sasabihin ko na lang pagbalik ko doon. Hindi ko pa kayang ipagsabi ang tungkol doon. Nahihiya ako. Bumalik ako sa kama matapos gumamit ng banyo. I lay down on my bed, pulling the covers up to my chin. I close my eyes, sinusubukang magpatangay sa antok. Pabaling-baling ako ng higa sa kama pero– hindi ako makatulog. Napakamot ako sa ulo na naipadyak ang mga paa sa inis. I closed my eyes again, trying to clear my mind. Pilit winawaglit si Anton sa isipan ko. Bakit ko ba naiisip ang lalakeng iyon? Wala naman siyang puwang sa puso ko e. – wala nga ba? Nakatulog ako na si Anton at mga namagitan sa amin ang laman ng isipan ko. Kinabukasan paggising ko, mataas na ang sikat ng araw sa labas. Mas magaan na rin ang pakiramdam ko. Wala na ang sinat ko. I headed to the shower room. Hinubad lahat ng saplot at tumutok sa showerhead. Ninanamnam ang malamig na tubig na bumubuhos sa aking katawan. Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin na kaharap ko. Kung saan kitang-kita ko ang kahubaran ko. Maging ang ilang pulang marka na iniwan ni Anton sa akin noong nakaraang gabi. Nabura na ang iba, pero naiwan ang ilan na medyo madiin niyang sinipsip. I still can’t believe I’m not a virgin anymore. For over thirty years, I kept myself pure. My dream was to marry the man I love while I was still a virgin-- to give myself to him on our first night as husband and wife. But that dream vanished into thin air the night I was with Anton on the island. I got swept away, gave in to our passion. And now. . . that dream of being a virgin bride on my wedding day will never come true. Dahil ibinigay ko na kay Anton ang virginity ko. Kahit na. . . hindi ko siya nobyo. Napailing ako na winaglit sa isipan ang bagay na iyon. Nakakatuwa lang na wala akong pagsisising nadarama na hindi na ako birhen. Siguro marahil. . . ginusto ko rin ang namagitan sa amin ni Anton. Ginusto kong-- ibuka ang hita ko para sa kanya at namnamin ang init ng gabi sa piling ng isa't-isa. Kahit minsan lang. Kahit minsan lang. . . maranasan ko manlang maging masaya at mapaligaya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม