Chapter 5

1453 คำ
"Kasama niyo raw ho yung girlfriend ni Axel pabalik ng Maynila, boss?" tanong ni Bert na siyang matagal nang katiwala sa hacienda. Kasalukuyan niyang pinapa-check ang problema ng sasakyan niya na itinirik ang isang magandang dalaga sa gitna ng kalsada kahapon. Mabuti na lang dahil nasa poder na ito ng Hacienda Esquivel kaya't malabong may magkainteres dito dahil takot ang mga tauhan sa kanya. Pero mahirap pa ring mapanatag. That woman is sinfully beautiful to be unnoticed. "Nakuha mo na ba ang lahat ng piyesang kailangang palitan?" tanong niya kay Bert. Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa magandang babae dahil girlfriend ito ni Axel. Hindi niya gustong magkaroon ng anumang ugnayan sa sinumang babaeng malapit kay Axel dahil sa maraming dahilan. Napakarami na nilang away na hindi niya na gustong dagdagan pa. Mula noong nagbinata sila ay hindi na nawala ang panibugho ng stepbrother niya na gusto niya na sanang matapos. Hindi niya na gustong dagdagan ang sama ng loob ang ama-amahan na si Charles na unang nasasaktan dahil ang gusto nito ay magkasundo silang dalawa. "Nailista ko na, boss. Sigurado ba kayo na kayo na ang mamimili ng mga iyon sa Maynila?" "May ilang bagay din kasi akong aasikasuhin doon. Naisipan ko lang na isabay na ang pagbili ng piyesa." Pinunasan niya ang kamay na puno ng grasa saka itinapon ang basahan sa mesang isang hakbang lang ang layo sa kanya. Sa matagal na panahon ay sila na ni Bert ang nag-aayos ng mga nasirang sasakyan sa hacienda kasama na ang traktora na gamit sa bukid. Marunong kasi si Bert sa pag-mekaniko ng sasakyan habang siya ay hilig din ang makialam sa ganoong bagay. "Kaya ka siguro luluwas ng Maynila para iwasan si Fiona ano? Sigurado pupuntahan ka na namam nun dito para imbitahan sa birthday ni Mayor." Bahagya lang siyang ngumiti kay Bert saka umiling. Alam na alam ng lahat ng tao sa hacienda kung sino si Fiona sa buhay niya. Hanggang ngayon ay kadugtong pa rin ng pangalan ni Fiona ang pangalan niya gayung halos dalawang taon na itong kasal kay Axel. "Mabuti na rin hong umiwas tayo sa gulo." "Alam mo, hindi ko talaga mapaniwalaan na ikinasal si Fiona sa kapatid mo. Napakarami namang babae ni Axel. Ngayon nga may kasama siya sa ibang bansa tapos may babae pang dumating kahapon na hinahanap siya. Ikaw na si Fiona lang ang naging kasintahan sa mahabang panahon, inagaw pa niya?" Gusto niya nang tapusin ang pag-uusap nila ni Bert dahil hindi nakakatulong sa damdamin niya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagtataksil ng dating kasintahan. He and Fiona started their relationship since their college days. They were childhood bestfriends turned into lovers. But they ended up as brother and sister-in-law. Kung saan siya nagkamali o nagkulang ay hindi niya alam. "Tapos hindi rin naman sineryoso ni Axel ang kasal nila ni Fiona, ano?" pagpapatuloy ni Bert. "Desisyon ho nila 'yun, Mang Bert. Mahirap hong makialam sa usaping mag-asawa." Matapos kuhanin ang listahan ng piyesang kailangan niya ay bumalik na siya sa mansyon. Malapit na ang hapunan at maaga siya bukas sa biyahe. Nagpa-reserve na siya sa Albano Hotel ng isang silid na tutulugan niya sa dalawang gabi sa Maynila. "Ang Papa ho?" tanong niya sa katulong pagpasok niya sa mansyon. Kung mayroon mang tao na mahalaga sa kanya ngayon, 'yun ay si Charles Esquivel. Ang taong itinuring siyang tunay na anak sa kabila ng hindi naman sila magkadugo. "Nasa library pa ho, Sir Nick," sagot ng katulong. "Maghahanda na ho ba ako ng hapunan niyo?" "Sasabay na lang ho ako kay Papa." Tumuloy siya sa silid at naglinis ng katawan. Maghapon siya sa bukid dahil malapit na ang anihan ng mais. Matapos ang isang mabilisang ligo ay nagtungo siya sa balkonahe para magpahangin. Maaga pa naman para sa hapunan. Pero ang tangka niyang pamamahinga ay naudlot dahil sa babaeng nasa kabilang silid na nasa balkonahe rin para magpalipas ng oras. Ang babaeng gusto niya ring iwasan pero sa halip na magtagumpay ay lalo pang inilapit ng Papa niya sa kanya. Nagtama ang paningin nila pero hindi siya ngumiti at binawi kaagad ang mata sa dalaga. Hindi na lumipas ang limang segundo, nagpasya na siyang pumasok muli sa silid. Wala siyang ideya kung bakit nandito pa rin ang babaeng 'yun gayung wala naman si Axel dito at malinaw na hindi nito dapat pang kausapin ang kasintahan nito. Axel is a married man. Ang asawa nito ay nasa kabilang ibayo lang na magkakagulo kapag nalaman ni Fiona na may babaeng nasa mansyon ngayon at may relasyon sa asawa nito. She should warn that woman to stay away from Hacienda Esquivel. And to stay away from Axel. Pero hindi niya gustong makialam pa sa problema ng dalawa. At hindi rin niya gustong magkaroon ng dahilan para mapalapit sa babae na ikasasakit lang ng ulo niya. Hindi maitatanggi na malakas ang s*x appeal nito bukod sa kagandahan nitong taglay. Gayunman, kahit anong atraksyong nararamdaman niya sa babae ay hindi na dapat humantong sa ano pa man. Nang tumuntong na sa alas sais ay bumaba na siya sa komedor para sa hapunan. Ganoong oras din kasi naroon si Charles na maagang kumakain dahil may mga gamot itong regular na iniinom. "Sana'y isinabay mo na si Camilla sa pagbaba." Hindi niya alam kung suhestyon ba iyon o utos. "Why is she still here, Papa? Alam na ba ni Axel na may babaeng naghahabol sa kanya bukod pa sa babaeng kasama niya ngayon sa ibang bansa?" "Hindi matawagan ang anumang telepono ng kapatid mo, Nick. Hayaan mo na siya sa ibang bansa para magliwaliw. Ganyan naman ang batang iyon noon pa." "Pero kailangan nang umalis ng babaeng 'yun dito. Tiyak na malalaman ng buong hacienda kung sino siya at kung ano ang pakay niya. Hindi ba kayo nangangamba na malaman ni Fiona ang pagtataksil ni Axel? Mabilis pa sa alas kwatro ang balita sa bayang ito." Totoo naman iyon. Maliban na lang nang magtaksil si Fiona sa kanya. Siya yata ang kahuli-hulihang tao na nakaalam na ang kasintahan niya noon ay inaahas na ng stepbrother niya. "Relax... Wala namang ibang nakakalam ng totoong pagkatao ni Camilla bukod sa ating tatlo at kay Bert at sa driver mo. Sinabihan ko na sila na kapag may nagtanong, si Camilla ay isang importanteng panauhin. Ikaw ang maglilibot sa kanya sa hacienda pagbalik niyo dito galing sa Maynila." "Babalik pa siya dito sa hacienda?!" Hindi niya napigilan ang pagkadismaya. "Huwag niyong sabihin na ginagawa niyo ito para paburan si Axel at tuluyang ma-grant ang annulment nito kay Fiona? Akala ko ba'y mas gusto niyo na maayos ang pagsasama ng dalawang 'yun?" Bago makasagot ang Papa niya ay sumungaw na ang babaeng pinag-uusapan nila. Nagtama ang kanilang paningin na gustong tumibok ng mabilis ng dibdib niya. Itinuon niya sa pagkain ang atensyon at mabilis ang mga kilos na nagsimulang kumain. Hindi niya gustong nasa harap ang babae sa matagal na sandali. "Tell me about yourself, Camilla. Ilan kayong magkakapatid?" tanong ng Papa niya sa babae. Hindi siya nag-angat ng tingin. "Wala ho akong mga kapatid," malambing nitong sagot na parang musika sa pandinig niya. Oh, Lord... She has a bedroom voice a man could fantasize about. Parang gustong manibugho ng dibdib niya kay Axel kung paanong sa kabila ng may asawa na ito ay nahuhumaling pa ang mga babae dito. Ang nagagawa nga naman ng pera. Galante si Axel at matamis kung magsalita. At kung ganito kagandang babae, tiyak na hindi mangingimi si Axel na paulanan ito ng mamahaling alahas at malaking pera. Sumulyap siya sa babae na sumasagot sa mga tanong ni Charles. Wala itong mamahaling alahas maliban lang sa manipis na kwintas at relo na hindi kamahalan ang brand. Bukod doon ay lumang kotse niya ang ibinigay ni Axel dito. Naisama man lang ba ito ni Axel sa ibang bansa para ipasyal katulad ng ginawa nito sa babaeng kasama ngayon sa Europe? "Pareho pala kayo ni Nick na mahilig sa bahay lang. Bagama't minsan ay gusto kong mag-relax din siya dahil panay ang trabaho niya sa bukid," ani Charles na nagpagising sa pagsusuri niya sa babae. Hindi niya na namalayan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. May sarili naman na siyang konklusyon sa babae. Ngumiti lang siya bago ininom ang tubig sa baso para tapusin na ang pagkain. "Magpapahinga na ho ako, Papa. Maaga ho ang alis ko bukas." "Mag-iingat kayo, iho. Huwag mong kalimutang isabay si Camilla para mapanatag ako na makararating siya sa Maynila nang ligtas. At isasabay mo rin siya pagbalik dito, ne?" Marahan lang siyang tumango saka pinunasan ng puting tela ang gilid ng mga labi. Kung paano niya bubunuin bukas ang sampung oras na biyahe kasama ang babae ay hindi niya alam.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม