Kabanata 18 "Good evening, Mr. and Mrs. De Jesus," bungad ng isang delivery boy. "Sir? Sino ba talaga ang nagpapadala ng supply sa amin? May trabaho na naman ako. Pakisabi na lang sa kanya na mas maraming nangangailangan ng tulong at doon na lang niya ito ibigay," ani Xia. "Okay, Ma'am. Pero sa ngayon, tanggapin niyo mo na ito." Tumango si Xia kaya tinulungan na ni Xiander ang delivery boy na ipasok ang mga groceries na hindi nila alam kung saan galing. Pagkaalis ng delivery boy, nagpakawala nang malalim na hininga si Xia. Nagtitigan naman silang dalawa ng kapatid niya dahil sa isang katanungan na hindi nila alam ang kasagutan. Simula nang pumanaw ang ama nila ay bumuhos ang biyaya sa kanilang dalawang magkapatid. May isang member kasi ng foundation ang pumunta sa kanila para bigyan s

