Kabanata 13 Pagkatapos kumain nina Katleya at Blue, agad na rin silang lumabas. Pinaggitnaan naman ng dalawa ang tatlong anak nila habang sila ay naglalakad. Nang may nakitang isang Photo Studio si Blue, napahinto ito at seryosong nakatitig doon. Napalingon si Katleya sa kanya at sinundan ang tingin nito. "Tara na," sambit ni Blue. Nahihiya siyang sabihin kay Katleya na gusto niyang magpakuha ng litrato na buo silang magkapamilya. "Gusto mo?" biglang tanong ni Katleya. "Ang ano?" takang tanong ni Blue. Itinuro ito ni Katleya gamit ang nguso niya. Napakamot sa ulo si Blue habang nakayuko. Nahuli pala siya nito. "Pero nahihiya ako sa iyo," anang Blue. "Makapal ang mukha mo, remember? Tara na." "Grabe siya sa akin. Pero salamat, Labs." "Huwag mo akong tawaging, Labs! Dahil kailanma

