Kabanata 22 May kumatok sa bahay nila Xia. Agad siyang napatayo at binuksan ito dahil sinabi sa kanya ni Silver na papunta na ito sa kanila. Pero pagbukas niya, hindi kilalang babae ang bumungad sa kanya. "Hi, Xia," pagbati nito. Nginitian pa siya nito. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Xia dahil pamilyar sa kanya ang boses nito. Pero may isang katanungan ang pumasok sa isipan niya. Hindi mukhang may anak ang kausap niya. Mga nasa trenta pa ito. Ginantihan niya ito ng ngiti para hindi nito mahalata ang pangamba na meron siya ngayon. "Sino kayo?" tanong niya. "Don't be so naive, Xia. I know narinig mo na ang boses ko." Nagulat si Xia sa sinabi nito. "Crezel———No. Hindi ikaw 'yan! Ginamit mo lang ba ang pangalan ng ina ni Sir Blue, tama ba?" "Yep. Are you proud of me?" nakangiting tanon

