Elia’s POV
Salamat kay Aling Bebang na siyang tindera sa canteen noong elementary pa ako. Madalas kasi noong bata ako, sa canteen ako tumatambay kapag walang klase o kaya naman ay kapag free time ko. Tumatambay ako sa canteen ni Aling Bebang para manuod kung paano siya magluto ng mga meriendang tinitinda niya sa mga student sa oras ng recess. Sa kaniya ko napapanuod kung paano magluto ng banana cue at pati na rin ng kamote cue. Kapag nakakaluto siya, siyempre may libre ako, ‘yung walang kapares na saging sa akin na napupunta. Kada stick kasi, dalawa o tatlong pirasong saging ang tinutusok, kaya naman kapag may isang pirasong natira, sa akin na ‘yun. Dahil kay Aling Bebang, madalas akong malibre ng pang-recess ko noon. Kaya lang noong mag grade six na ako, namatay ito sa isang malubhang sakit kaya nalungkot ako dahil wala na akong mapupuntahan sa canteen namin. ‘Yung pumalit sa kaniya, masungit at hindi ko na ka-close.
Nag-umpisa na akong maglako dito sa malapit sa apartment na tinutuluyan ko. Third floor ako kaya dito muna ako nag-ikot. Lahat naman sila ay bumili at lima agad sa banana cue ay naibenta ko agad. Puro babae kasi kami rito. Kaya naman bumalik ako sa apartment ko para palitan ang limang pirasong babana cue na nawala. Sa lagayan kasi na dala-dala ko ay benteng piraso ang laman.
Sa ikalawang palapag naman ng building ako nagpunta. Dito ay medyo ilag ako pero susubukan ko pa ring magbenta. Kadalasan kasi sa mga nakatira sa ikalawang palapag ay lalaki na mga siraulo. Ang alam ko, ang ilan sa mga nakatira rito ay magnanakaw at puro sa mga bastos talaga. Araw-araw, madalas akong makakita ng babae na dinadala nila rito kaya takot talaga ako sa mga ito. Kung minsan pa ay may away pa akong naririnig. Sila-sila rin ‘yung nag-aaway.
Pagdating doon ay nag-umpisa agad ako sa unang pinto. Apartment ito ni Terrence, isa sa kilala ko na talagang siraulo dito.
“May tina akong banana cue at kamote cue, baka gusto mo?” alok ko sa kaniyang naka-topless, pawisan at nakatutok sa tv. Nang makita niya ako ay malagkit ang tingin niya sa akin. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Mas tumagal pa nga ang tingin niya sa dibdib ko. Bastos!
“Magkano ba ‘yan, Elia?” nagulat ako dahil kilala niya pala ako. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. “Patingin nga ako kung malalaki,” sabi pa niya at siya na ang nagbukas ng lagayan ko. Napailing ako nang sadyain niyang sungguin ng kamay niya ang dibdib ko.
“Aba, malaman at mukhang malaki nga,” sabi pa niya kaya naiinis na agad ako. Ang init-init na nga ang bastos pa.
“Fifteen pesos lang each,” sagot ko na medyo may inis na ang boses.
Tumingin siya sa akin tapos tinitigan pa niya ang labi ko. “Ikaw ba? Magkano kapag ikaw ang binili ko?” tanong pa niya kaya napangisi na lang ako. Alam kong hindi siya interesado sa tinda ko kaya tinalikuran ko na siya.
“Bahala ka, marami akong pera, Elia. Hindi mo na kailangang magpakahirap sa pagtitinda niyan kapag pumayag kang ikaw na lang ang kainin ko,” sabi pa niya at saka tumawa. Hindi ako nagsalita, imbis na sumagot ay tinaas ko na lang ang middle finger ko sa kaniya. Lalo siyang tumawa. Napakagago niya.
Nilagpasan ko na ang second floor dahil karamihan talaga doon ay lalaki. Di bale nang hindi ko sila mabentahan, huwag lang akong mabastos.
Sa first floor, mga pami-pamilya na ang nakatira kaya mas nakabenta ako roon. Taas-baba ang nangyari sa akin. Nakakahingal at nakakapagod, pero sulit naman dahil mabilis naubos ang tinda ko. Ang babait talaga ng mga tao sa ibaba. Sana nga ay doon na lang din ako nakahilera para sana kahit pa paano ay may mga nakakausap ako sa tuwing gusto kong tumambay sa labas kapag wala akong ginagawa.
May natirang isang banana cue at isang kamote cue. Hindi ko na binenta ‘yun dahil deserve ko na sigurong kainin ‘yun dahil sa hirap na inabot ko sa pag-akyat at pagbaba dito sa building ng apartment. Natuwa ako dahil halos four hundred pesos ang tinubo ko sa pagbebenta ng baban cue at kamote cue. Hindi na masama.
Habang kinakain ko na ang babana cue, nanunuod naman ako ng video tutorial kung paano magluto ng yema. ‘Yun naman kasi ang ilalako ko sa mga kapitbahay ko mamayang hapon. Itotodo ko na ang pagiging negosyante ko para tuloy-tuloy ang dagdag ng pera sa bulsa ko.
Matapos kong mapanuod kung paano gawin ‘yun, ginupit-gupit ko na ang plastic, kamote cue naman ang kinakain ko habang ginagawa ko ‘yun. Impyernes, masarap naman pala ang pagkakagawa ko ng babana cue at kamote cue. Kaya pala nasarapan ang mga kapitbahay ko.
Nang handa na ang mga pambalot ko sa magiging yema mamaya, lumabas muna ako ng apartment para bumili ng mani sa tindahan. Kasama kasi ‘yun sa ingredients sa paggawa ng yema.
“Oh, nakaubos na ba, Elia?” tanong ni Manang Dolores, isa sa mga nakatira sa first floor nitong apartment.
“Opo, yema naman po ang ititinda ko mamayang hapon,” sagot ko.
“Sipagan mo lang at tiyak na marami kang kikitain,” sabi pa niya kaya tumango ako at saka nagpasalamat.
Pabalik na ako sa apartment ko nang makasalubong ko sa hagdan si Terrence. Ito ‘yung lalaking nakatira sa unang room dito sa ikalawang palapag ng building. Gaya kanina, topless at parang ang dugyot-dugyot niya paring tignan. Guwapo sana, kaya lang parang ang baho niyang tignan sa suot niyang short na butas-butas at sa gulo-gulo niyang buhok. “Elia, masarap ka sigurong barurutin, halika ka na kasi. Five hundred pesos kada round, ano halika na? Patay naman na ang boyfriend mo kaya hayaang mong ako naman ang magpaligaya sa iyo. Isa pa, hindi na ikaw ang magbibigay ng pera, ako pa ang magbibigay sa iyo,” sabi niya habang hindi nawawala ang ngisi niyang nakakasuklam.
“Terrence, sobrang pili lang nang pinapatulan ko. Wala akong pinapatulang lalaki na mukhang…” huminto ako. Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko at hindi rin naman kasi ako sanay maglait. Isa pa, baka ito pa ang maging simula nang pag-aaway namin. Baka kasi kapag tinuloy ko ang gusto kong sabihin sa kaniya na mukha siyang mabaho ay lalo niya lang akong pag-initan at asarin lalo.
“Mukhang ano? Ituloy mo, Elia! Mukhang bang masarap at matcho. Ano? Mukhang malaki ang ari, oo, malaki talaga. Kung gusto mo pa ay ipapakita ko agad sa iyo ngayon, sabihin mo lang.” Medyo inis na ang tono nang pananalita niya. Tila alam niyang lalaitin ko siya dapat kaya iniba-iba na lang niya ang sasabihin niya. Siya na lang ang pumuri sa sarili niya. Kahit naman kasi sabihin niyang malaki ang ari niya, hinding-hindi ako papatol sa dugyot na gaya niya. Kadiri.
“Tigilan mo na ako. Humanap ka na lang ng ibang babastusin mo,” sagot ko na lang at saka ko siya nilagpasan.
“Tignan natin kung hanggang saan aabot ‘yang pagpapakahirap mo sa pagtitinda mo. Isang araw, kakailanganin mo rin ako. At kapag dumating ang araw na ‘yun, huwag kang mag-alala, tatanggapin pa rin naman kita. Aba, nakakatakam ka rin naman kasi talaga,” sabi pa niya kaya masuka-suka ako.
Gaya kanina, middle finger na lang din ang sinagot ko sa kaniya habang palayo na ako sa kaniya. Sa lalong madaling panahon, kailangan ko na rin talagang makaalis sa lugar na ito. Nakakatakot na lalo pa’t wala na akong boyfriend na magtatanggol pa sa akin. Dati, nung buhay pa si Jared, ni isa sa kanila walang pumapansin sa akin, pero ngayong nalaman nilang patay na ang boyfriend ko, ang lalagkit nilang magtinginan. Hindi na nga ako nagsusuot ng mga daring na damit, kung lalabas ako, naka-panjama at nakamaluwag na t-shirt na lang para hindi nila makita ang kaluluwa ng dibdib ko at ganoon din ang makinis kong mga legs, pero hindi eh. Kahit ganoon na nga ang suot ko, ang babastos pa rin ng mga tukmol na ito.
Pagbalik ko sa loob ng apartment ko. Nabigla ako nang makita kong wala na ang pera ko sa lamesa, maging ang natirang Kamote cue na nasa platito ay wala na rin.
Tinignan ko pa ang bag sa may tulugan ko, maging ‘yun ay nakabukas din. Tinignan ko ang laman ng wallet ko, lalo akong nagulantang nang makita kong ni singko mang duling ay walang natira. Nasimot ang pera ko. Napaupo na lang ako sa sahig at saka napahawak sa ulo ko. Balewala ang paghihirap ko. Nawala na lang ito ng parang bulas. Sasaglit lang akong nawala, napasok agad ang apartment ko. Tang-inang buhay ‘to. Napaupo na lang tuloy ako sa sahig at saka napasuntok sa aparador na katabi ko.
Napakamalas ko naman.
Lord, ito na po ba ang kapalit ng lahat nang pagpapakasarap ko nitong mga nagdaang buwan? Ito naman po ba ang kapalit, paghihirap at pagdudusa? Lord, sorry na po! Nagsisisi naman na po ako ngayon. Sorry po.