Naglalakad sya mag isa sa loob ng rest house. Maaga syang nagising dahil maaga pa ang alis nila for the second hiking. Naglakad sya papunta sa kusina at nag init ng kape kasi pagkagising ng sampo ay ay ang mga iyon magkakape Pagkatapos ma isalang ang takure ay sumandal sya sa counter at naka cross arm na nakatingin sa apoy. Hindi namalayan ang pagdating ng binata " Ang aga mo naman magising, kailangan ko na bang gisingin ang iba" agad syang napalingon ng may biglang magsalita Agad syang ngumiti ng makita ang lalaki. Nag lakad ito palapit sa kanya kaya ibinuka nya ang mga braso. Agad syang niyakap ng lalaki " Sobrang aga pa naman kaya mamaya na siguro" saad nya habang magkayakap sila ng lalaki Pagkatapos nyang magsalita ay natahimik na sila at ang maririnig lamang ay ang ingay ng mga

