Pagkarating sa bahay nya ay agad syang dumeritso sa kanyang silid para magpahinga pero bago pa sya umakyat sa kanyang silid ay tinawagan nya muna ang private doktor nila para ipagamot ang mga sugat na natamo ng mga kasama Pagka pasok nya sa kanyang silid ay dumeritso sya sa cr at doon niloblob ang katawan sa bathtub na may tubig. Hindi nya hinubad ang soot at hinayaan lang na mabasa din ito Niloblob nya ang kanyang ulo sa tubig. Pagod na pagod sya sa byahe nga, ilang oras din syang naka upo sa upuan ng private plane na sinakyan pauwi at ilang oras din ang upo nya sa van na kumuha sa kanya Nagka abirya pa ito dahil biglang na flat yung gulong kaya kinailangan nya munang maghintay hanggang sa maayos ito ng driver na kumuha sa kanya, kung alam nya lang na may laban sila ay sana ay maaga na

