Coleen’s POV
Pag-uwi ko sa bahay namin ay nagulat pa ako nang mabungaran ang ambulansiya sa tapat ng gate namin. Agad akong kinabahan kaya binilisan ko ang pagda-drive palapit sa bahay namin saka ako bumaba.
Nakita ko ang kasambahay namin na umiiyak kaya lumapit agad ako sa kanya.
“Ate Mila bakit po may ambulansiya? Ano’ng nangyari?” mabilis na tanong ko sa kanya. Pero bago pa niya ako masagot ay inilalabas na nila si mommy na nasa stretcher. Lalong bumaha ang kaba sa dibdib ko nang makita ang mommy ko na walang malay.
“Ate, we were just baking then mommy fainted!” mangiyak-ngiyak na sumbong ng kapatid ko.
“Why?” nag-aalalang tanong ko.
“I don’t know, ate!” at tuluyan ng umiyak ang kapatid ko na yumakap pa sa akin.
“Ako na ang sasama kay mommy sa ospital. Alam na ba ito ni daddy?” tanong ko sa maid namin.
“Hindi pa po ma’am, kasi biglaan ang nangyari kaya nataranta rin kami. Mabuti na lang mabilis na nakatawag ng tulong itong si Clarissa.
“Sige po, ako na lang tatawag kay daddy. Kayo na po muna ang bahala rito,” bilin ko sa kanya. Muling lumapit si Clarissa sa akin na umiiyak.
“Is mommy alright, ate?” tanong nito. Clarissa is the youngest in the family and she’s only 8 years old.
“She will. Go inside because we need to go now,” banayad na sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at sumunod.
Hindi pa rin lumalabas iyong doktor na tumitingin kaya mommy kaya lalo akong kinakabahan. Wala naming kaming alam na sakit niya kaya ano kayang dahilan ng pagkahimatay niya?
“How’s your mom?”
Napaangat ako ng mukha ng marinig ang boses ni daddy. Agad nangilid ang mga luha ko nang makita siya. Pero pinigil ko ang sariling maiyak.
“I don’t know yet, dad. Hindi pa lumalabas iyong doctor,” malumanay na sagot ko. Bumuntong-hininga ito at tumabi sa akin. Naninikip ang lalamunan ko at ang bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari kay mommy.
“Don’t worry, dear. I know your mom, she’s a fighter, so I know she can survive this. Baka napagod lang talaga kaya hinimatay,” pagpapalakas ng loob ni daddy. Alam kong nahihirapan din siya pero nagpapakatatag lang. Kaya tumango na lang ako para naman hindi na rin madagdagan ang pag-aalala niya.
Mabilis kaming tumayo ni daddy ng lumabas iyong doktor kasunod iyong dalawang nurse na nag-asikaso kay mommy kanina.
“Are you the husband of the patient?” tanong ng doktor kay daddy.
“Yes, doc. Kumusta po ang asawa ko?” magalang na tanong ni daddy.
“Well, for now, she is stable. But we need to run more tests to determine the cause of her sudden fainting. May gamot or vitamins po ba siyang tine-take ngayon?” paliwanag ng doktor na sinundan niya ng tanong.
“I’m not really sure but I think she’s taking some vitamins for her skin or something,” naguguluhang tugon ni daddy.
“Sabagay, malalaman din natin lahat iyan mamaya kapag lumabas ang resulta ng mga laboratory tests niya. For now, hayaan na lang muna natin siyang makatulog,” sabi ni doc. Saka lumingon sa nurse na nasa likuran niya. “Please inform me immediately kapag nagising ang pasyente dahil kailangan ko siyang tanungin sa mga ilang bagay regarding her condition,” bilin nito.
“Yes, doc,” sagot naman no’ng nurse.
“Mauuna na po muna ako at may mga pasiyente pa akong kailangang puntahan,” nakangiting paalam ni doc.
“Thank you, doctor,” sabi naman ni daddy at ngumiti pa ito sa akin bago tuluyang umalis.
Makalipas ang mahigit dalawang oras ay nagising na si mommy. Kasunod din niyon ang pagbabalik ng doctor para ipaliwanag ang resulta ng mga tests na ginawa sa kanya. Nagkaroon daw di umano ng problema sa dugo si mommy dahil sa iniinom niyang slimming tea. Hindi raw pala approved ng BFAD ang brand ng tsaa na iniinom niya dahil may ingredients daw ito na hindi talaga mabuti sa kalusugan.
“Why do you even had to drink such kind of tea, mom?” pagmamaktol na tanong ko sa mommy ko pagkaalis ni doc at noong mga nurse.
“I just saw a commercial and tried it. Actually, it works for me dahil mabilis lang din na bumaba ang timbang ko. Hindi ko naman akalaing may ganyan pa lang effect iyan,” katuwiran ni mommy.
“You don’t need to be slim because you will always be the sexiest in my eyes!” singit naman ni daddy na nagpalusaw ng inis ko. Ito ang gustong-gusto ko sa mga magulang ko. iyong sweetness nila mula pa noong bata ako hanggang ngayon, hindi nagbabago.
Kinabukasan ay inilabas din namin sa ospital si mommy dahil wala naman daw malalang naging problema sa kanya dahil naagapan naman iyong sitwasiyon.
“Besh, bukas na pala talaga iyong kasal mo ano? Grabe! Mukhang wala na talagang makapipigil,” sabi ko sa bestfriend kong si Kristine. Ikakasal na ang kaibigan ko sa pinakamayamang banker sa Asya na si Charles Ty. Pero sa itsura nito ngayon ay wala ka man lang makitang excitement o kahit na konting tuwa man lang. Ako si Coleen Vergara at pareho kaming kumukuha ng BS Tourisim sa De Lasalle University. Hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ko, pero hindi rin naman kami matatawag na mahirap. Mas mayaman nga lang itong bestfriend ko na ngayon ay parang mukhang pupunta sa burol dahil sa dilim ng awra niya.
“Wala na yata akong magagawa dahil nakapagdesisyon na ang mga magulang ko. Pero kapag nakahanap ako ng pagkakataon, tatakasan ko talaga ang kasalang ito,” malungkot niyang pahayag. Malungkot siyang nakatitig sa napakagandang diamond ring na nasa palasingsingan niya.
Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakasal. Kailan lang ay ipinagtapat niya sa akin kung paano daw siya di umano pinilit ni Charles na makipagsiping sa kaniya noong gabi ng engagement party nila. Ako man ay labis na nagalit nang malaman ko iyon lalo at mismong mga magulang pa raw niya ang nagpumilit na matulog siya sa bahay ni Charles. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na ang mga magulang ko ang magpapasiya at mamimili kung sino ang mapapangasawa ko.
Sa huli ay wala ring nagawa ang bestfriend ko kung hindi magpakasal sa lalaking ayaw niya. Ngunit ilang buwan pa ang nakalipas ay nahulog din ang loob niya rito dahil sweet at maalaga naman daw pala itong si Charles talaga. Sobrang possessive nga lang pagdating sa kaniya pero tanggap naman na raw niya ito.