Tiningnan ni Rod ang blog na nakita ko sa web. Kamukhang-kamukha talaga ng naroon sa altar ng mga kulto na 'yon sa school! Nilingon ni Rod si Mike. "Mike, can you check the IP address of this blogger, Anonymous Cult Unveiler." Bumalik ng tingin sa akin si Rod. "Same level kami ni Mike pagdating sa IT knowledge. Kaya niya 'yan." Kinalikot ni Mike ang laptop niya. "May sarili akong OS na personal design ko, may sarili akong program na gamit, may sarili akong galamay sa web. I can crawl anywhere even under the nose of the best IT security in the world. I just don't do it for my own advantage. Kailangang may silbi ang kaalaman ko para sa makabubuti ng mas nakararami." Inosenteng ngumiti si Mike ng saglit sa akin bago bumalik ang tingin sa laptop niya. Nakakatuwa siya. He has all the knowledg

