CHAPTER 24

1380 คำ

Nag-ubuhan ang lahat nang mapuno ng usok ang buong lihim na silid. Pati ako! Ito namang si Rod, wala man lang warning! Ipinakita ni Rod sa akin na isuot ang black mask na bigay niya sa akin. Dinukot ko 'yon sa bulsa ko saka ko isinuot. In fairness ha, wala akong naamoy na usok. Medyo mahapdi sa mata pero kailangan kong magtiis. Nakalapat naman ang eye glasses sa mukha kaya hindi gaanong napepenetrate ng usok. Nakadapa na ang mga tao sa loob, hindi makahinga. May nakita akong gumagapang patungong sliding wall. Bubuksan yata para lumabas ang usok. Nilapitan ko siya saka ko tinadyakan sa likod ang loko. Langhapin mo muna ang lahat ng usok dito bilang parusa. Nawala si Rod. Nilingon ko ang paligid. Nakita ko siyang hiniklas sa isang lalaking nakatumba ang kapote nito, saka lumapit sa kama.

อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม