Narito ako sa favorite place ko--ang garden, paharap sa Old Building. Kahit malayo ay alam kong nakatingin si Monique sa akin kaya pasimple kong kinawayan siya. Gumanti rin siya ng kaway. Hindi na ako makapasok sa Building dahil naka-kadena at padlock na ang main door. Sarado rin ang exit door sa gilid. Nagta-type ako ngayon sa phone ko ng list ng suspect ko sa kaso ni Monique. Sina Rose, Sir Tony, Jeremy, Sir Antonio, Sir Segundo, ManangHuling, Gio at Diego. I put 'X' marks beside Gio's and Dieog's names, Malabo na sila ang pumatay kay Monique at sa mga estudyanteng multo sa Annex. Kailangan ko ring alamin kung konektado sila sa killings at missing students case sa Annex. Tumugtog na naman ang I Got A Boy ng phone ko. Si Papa ang tumatawag. "Hello, 'Pa." "Hija. Kaya mo bang magpalipas

