[ Pangsiyam Na Tabas - 8 ] PINARADA ni Arman ang sasakyan na nakahalera sa mga naggagaraan at naggagandahang iba pang mga sasakyan. Pagkalabas namin ni Eron ng sasakyan, kinapitan ko kaagad siya sa balakang at dinikit ko sa akin. Sa parking area palang kasi ang dami ng tao--mga nakatambay, yung iba kadarating palang. Karamihan ay lalaki--at bakla, may napansin akong babae, pero hindi ganun karami. "Relax kalang Amos ko. Hindi naman ako mawawala rito. Ive been here before, actually we were been here before." Kaswal na pagkakasabi ni Eron. "Basta, dito ka lang sa tabi ko. Masyadong maraming tao." Sabi ko, "...nagpupunta ka pala sa ganito bhe, di mo man lang naikukwento sa akin." "Matagal na kasi yun. At normal lang naman na pumunta ang isang tao sa ganitong lugar." Sagot ni Eron. Nakata

