"Ang Gwapong Hardinero ®" **IKALAWANG YUGTO** Isinulat ni Iam Kenth [ Pangsiyam Na Tabas - 4 ] BAGO ko nalaman ang kinatatagong relasyon ng dalawang bata sa buhay ko. Ginawa muna nila akong gwapong utusan. Ginawan ko sila ng sandwich na lagi kong ginagawa sa bahay na meryenda namin. Paborito na rin ni Yuki. Tapos dinala ko sa kanila. "Salamat kuya Amos." Nakangiting sabi ni Yuki. "Yan ginawa ko. Yan kasi ang lagi nating kinakain sa bahay." Sabi ko. Dalawa lang. Tig-isa sila--eh ang kaso may napansin si Aton. Wala raw panulak. Sarap itulak. Actually, dapat talaga siya ang tatayo. Eh sabi ni Yuki, matabang daw magtimpla si Aton--kaya napilitan ako na magtimpla ng juice para sa kanila. Madalang kasi ang softdrinks sa Mansyon--paminsan nga wala talaga. Tubig, juice, gatas, kapi at kung

