[ Pangsiyam Na Tabas - 5.2) ] ILANG ORAS pa ang bihaye bago namin narating ang Rest House ng mga Guererro. Madilim na rin ng makarating kami. Kasing laki ng Mansyon nila sa Cavite pero walang 2nd floor. Yari sa marmol ang bahay. Kulay puti at sadyang kaaya-aya ang dating. Napapalibutan ng mga nagtataasang puno ang paligid ng bahay. Basta--pumasok muna kami sa gate tapos mga ilang metro mula sa gate ang bahay. Walang sinuman ang nasa bahay--tanging kaming tatlo lang. Unang lumabas ng sasakyan si Sir Felix. Sumunod ako--pinagbuksan ko ng pintuan si Maam. Maganda ang mansyon sa Cavite--pero mas masasabi kong maganda ang Rest House nila sa Batangas. Napakapayapa at napaka-presko ng hangin. Malayo kasi sa siyudad--pangpahingahan lang talaga. "Maam may tumatao po ba rito?" Mahina kong pagtata

