"Magandang araw ho, Mang Tonyo," bati ni Kent sa Lolo ni Athena. Nakaupo ito sa upuang kawayan at kasalukuyang nagpapakain ng mga manok na pagala-gala lang sa bakuran. Katulad ng Itay niya ay iniwan lang din ito ng asawa. Nagkaroon man ito ng mga relasyon, hindi rin nagtagal dahil mas ibinuhos lang nito ang panahon sa bukid at sa pagpapalaki kay Marcus. "Magandang araw rin sayo, Kent. Mabuti at bumuti na ang pakiramdam ko, makakapunta na ulit ako sa bukid bukas at sa mga susumod na araw." "Magandang balita ho 'yan. Kung gusto niyo sunduin ko na lang ho kayo bukas," presenta niya. Dati ay nilalakad lang nito ang mahabang bukirin, pero sa ngayon ay baka mahirapan na ito dahil sa katandaan. "Nariyan naman si Berting na magda-drive sa akin. Maaabala ka pa kung kakarguhin mo pa ako tuwing pu

