Heever Clayv’s POV
“Ikaw na magtanong.” Nakita ko mula sa rearview mirror na siniko ni Shiela si Princess. Papunta kami ng school and as usual sinundo namin siya sa bahay nila.
“Ayoko nga, ikaw na ah, ikaw ang kapatid,” bulong naman nung isa. Napailing nalang ako. Tss! Hindi nalang ako tanungin ng diretso. Gawain talaga ng dalawang yan ang kunwari magbulungan pero ipinaparinig naman.
“Kuya,” nag-aalangang tawag ni Shie sa akin.
“Oh?” Lumingon ako sa gawi nila.
“Kelan mag-start training niyo sa basketball?” tanong niya. Napakunot-noo ako. Parang alam ko na ang gustong mangyari ng dalawang to.
“Matagal pa saka bawal manood ng training!”
They both looked at each other and pouted. Akala nila ah!
Sa totoo lang nag-start na ang training namin two days ago. The following morning after ng try-out ay inilabas agad ang official list para makapag-umpisa na ng training.
Lagi ko silang pinapaunang umuwi para di sila makapanood. Maglalandi lang naman kasi ang gagawin ng dalawang to. Ayoko din na pinagtitinginan sila ng mga lalaki. Magaganda kasi sila kahit freshmen palang. Isa pa kasali sa team yung half-brazilian na titig na titig kay Princess noong try-out. I have also seen some guys checking out my sister. I don’t like it.
Princess/Zashee’s POV
Hindi na kami nagsalita pa ni Shiela nung sabihin niyang bawal manood ng training nila. Obvious namang ayaw niya lang kaming papuntahin.
“Bakit kasi kailangan pa nating magpaalam? Puntahan nalang natin sa gym next week,” bulong ko kay Shiela habang papasok kami ng building. Si Clayv naman ay humiwalay na sa amin pagbaba niya ng sasakyan.
“Ihh! Excited makita si Brazilian?” tudyo naman Shiela. Kahit kelan mana talaga to sa kuya niyang bully. Napangiti nalang ako, may konting katotohanan din naman kasi ang paratang niya. Hehe!
“Nakapasa kaya yun sa try-out?” baling ko sa kanya.
“Sus! Oo naman! Paguwapuhan naman yata ang peg nila doon,” natatawa niyang sagot.
“So, inaamin mong guwapo ang kuya mo?” natatawa kong tanong.
“Siyempre noh! Kamukha ko kaya siya,” she answered smiling.
Well, hawig naman talaga sila dahil sa mga mata at ilong nila. Pareho kasi silang brown eyes. Namana nila kay Tito Javer. Si Shiela kasi magkahalong Tita Sheena at Tito Javer samantalang si Clayv naman ay younger version ni Tito Javer.
“Maybe, pero nakakasawa din kaya yang mukha niyo pag araw-araw nakikita,” biro ko. Hinampas naman niya ako sa braso.
“Kung makapagsalita parang hindi nakakasawa yang beauty mo ah!” ganti niya. Nagtawanan nalang kami. Ganito talaga kaming magbiruan but deep inside hindi na yata makukumpleto ang mundo ko pag wala silang dalawa.
Si Clayv ayaw na ayaw niya ng ganitong biruan namin kaya madalas ay naiinis siya lalo na kapag sinabi naming hindi siya guwapo. Hehe! Hindi pa rin niya ma-gets na lambing lang namin yun sa kanya.
_____________
“Bez, ano tara na sa gym?” yaya ko kay Shiela pagkatapos ng klase namin. Friday ngayon kaya ayos lang siguro na sumabay kami kay Clayv pauwi.
“Baka pagalitan tayo ni kuya.”
“Sus! Lagi namang galit yung kuya mo,” biro ko. Napatawa naman siya.
“Sumbong kita!” banta niya pero tinawanan ko lang.
“Kuya, saglit lang ha?” saad ni Shiela matapos naming ilagay sa loob ng kotse yung bags namin. CP lang ang kinuha namin.
“Ms. Shiela, bilin po ng kuya niyo na ihatid ko muna kayo at balikan nalang siya dito mamayang 6,” tugon ng driver.
“Sabay nalang kami sa kanya mamaya, kuya. Pupuntahan lang namin siya sa gym,” tugon naman ni Shiela saka ako hinila papunta sa kabilang building.
Sigurado kaming may practice dahil nasa labas palang kami tanaw na namin mula sa glass door ng gym na may mga nakalinyang players at tumatakbo sa gilid ng gym. May mga grupo rin ng mga babae sa bleachers na nanunuod.
“Bez, ayun si Brazilian,” excited na turo ni Shiela sa isang tumatakbo.
“Dali, tara na,” hinila ko siya papasok ng gym. It doesn’t matter kung magalit si Clayv. Hehe!